Chapter 32 Stacey's Tragic Reminisce

79 13 16
                                    

Stacey's POV

"Hmmm when I was fifteen year's old palang ako Jake hindi naman talaga ako ganito eh, yung maldita at spoiled sa lahat ng bagay," ani ko sa kanya. Andito kami sa itaas ng bundok ng Kilpit Peak ng Sagada, kung saan nagcamping kami ni Jake dito.

Nagrush kami ni Jake pumunta dito kahit hindi na nakapaghanda. Sumakay kami ng eroplano para magtungo ng Cordillera. Nakaabot kami hapon na dito sa lugar na ito. Habang pinagmamasdan ko ang bonfire na ginawa ni Jake natigilan ako ng magsalita siya.

"So hmmm pwede mo ba ikwento sa akin kung bakit ka naging monster hehehe," natatawang wika niya. "Grabe ka naman sa monster tss," asik ko.

"Hahahah parang ganon na nga, warfreak ka eh," natatawang wika niya tumabi ito sa akin at nag-indian seat.

"Hmmm bakit dito gusto mo pumunta?" pagtataka niya sa akin. "Hmmm dahil dito sa lugar na ito, diyan sa ibaba malapit dito sa bundok, namatay si Stephanie," seryosong wika ko sa kanya na kinatigil niya.

"Ah a—ano? Paano? Teka bakit mo ba sinisisi ang mga magulang mo? Ano ba talaga ginawa nila sainyo?" sunod sunod na wika niya napangisi naman ako ng napipilitan.

"Hmmm dahil kasalanan nila, sila nagyaya na pumunta kami dito. Pero ang totoo gusto din namin, dahil gusto namin abangan ang pagsikat ng araw. Kita daw dito ang magandang pagsikat ng araw, during that time nagcamping kami dito nila Mom and Dad. Tapos menorde palang kami noon, iniwan nila kami dito mag-isa ni Steph," malahad na wika ko sa kanya.

"Ha? Ano? Iniwan kayo? Menorde palang kayo? Tss bakit nila ginawa iyon, tska delikado na iwan dito ang menorde pa," dismayang wika ni Jake.

"Kaya nga? Pero pumayag naman si Stephanie, na umalis sina Mom at Dad, doon nga ako nagtaka eh kung bakit tss," dismayang wika ko.

"Hmmmm bakit nga ba ikwento mo na," aniya huminga muna ako ng malalim bago magkwento. . .

Flashback. . .

Bata palang kami ni Stephanie napaka adventurous naming tao. Kung saan saan nalang kami nakaabot ng kakambal ko. Basta kung may mapuntahan kami magagandang lugar hindi namin pinapalagpas iyon.

"Stephanie ang ganda ng view! Picture tayo oh?" masiglang wika ko agad kinuha ko 'yong camera ko at sabay kami nagselfie.

"Ayan ang ganda natin!" masigla kong wika. "Oo naman kambal tayo nuh hehehe," aniya. Habang namamasyal kami ni Steph, ay kasama namin mga magulang namin dito sa Baguio.

Masaya kami namamasyal napansin ko sina Dad at Mom parang wala sa focus ang dalawa sa amin. Kundi sa cellphone ang attention nila. Si Mom naman may kausap sa cellphone same as Dad.

"Mom, Dad? Okay lang oh ba kayo?" pagtatanong ni Steph. "Yeah darling okay lang kami ng Daddy mo," sabi naman ni Mom.

"Hmmm bakit po parang wala sa isip niyo na mamasyal, okay lang oh ba talaga kayo?" nag-aalalang wika ko sa kanila. "We're fine sweetie, don't worry okay so saan gusto niyo. Gusto niyo ba na magcamping tayo ngayon sa Sagada? Doon sa Kilpitan Peak. Maganda ang pagsikat ng araw doon," masayang wika ni Mom.

"Wow Mom? Gusto ko po! I'm so excited talaga eh, so maghahapon na po punta na po tayo doon," masiglang wika ni Stephanie. "Hehe okay darling," sabi naman ni Mom.

Naghanda na kami sa pagpunta ng Sagada. Kung saan yung sinasabi ni Mom na Kilpitan Peak. Sa umpisa umakyat pa kami ng bundok dala dala ang aming mga tent. Habang ineenjoy namin ni Stephanie sa pagkuha ng mga pictures. Napansin ko hindi masaya sina Mom at Dad.

Maya pa natigilan kami ng tumigil sina Mom at Dad sa paglalakad.

"Mom? Dad? Is there something wrong?" nag-aalalang wika ni Stephanie. "Hmmm I'm sorry my dear darling but we need to go na. Mukhang hindi na muna tayo tutuloy sa itaas," malungkot na wika ni Mom.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon