Stacey's POV
Heto na ang pinakahihintay kong araw. Ang araw ng kasal namin ni Jake, habang nagsisimula na ang maglakad ang mga abay sa kasal ay nasa hulihan kami nila mommy at daddy.
Kinakabahan na naeexcite ako makapunta sa altar. Nakikita ko na din sa malayo sina Kurt, Joshua, Benedict at ang aking pinakamamahal na ngayon ay magiging asawa ko na.
Si Jake, napakagwapo niya sa suot niyang puting tuxedong damit.
"Stacey, anak napakaganda mo," masayang wika sa akin ni daddy. "Thanks dad!" magiliw na wika ko napansin ko na humihikbi si mommy habang papunta kami ng altar.
Talo pa tuloy nito ang kinakasal. Akala ko ba ako ang ikakasal, mommy talaga kahit kelan ang emosyonal.
"Mom why are you crying?" pagtatanong ko habang palakad kami sa unahan. "Wa—wala anak masaya lang ako, hindi ko aakalain na lilipat ka na ng panibagong buhay mo, bubuklod ka na ng pamilya mo," naiiyak na wika niya.
Habang naglalakad kami sa aisle nakita ko na sa kabilang upuan sina Harieth, Gail, Sam. Katabi din nila sina Aezel at Jena. Samantala si Ate Cyril naman ay katabi ng Lola ni Jake. Karga nila ang aking anak na si Hero.
Ngumiti sila sa akin at ginantihan ko din ito ng ngiti.
Nang nakaabot na kami sa unahan agad sinalubong naman ako ni Jake. Nakipagkamayan pa si Jake kina daddy at mommy.
"Jake anak ah? Ikaw na bahala kay Stacey," naiiyak na wika ni mommy. "Alagaan mo ang anak ko ah? May tiwala ako sayo Jake," sabi naman ni Daddy.
"Huwag oh kayo mag-aalala, mamahalin ko po ang anak niyo," malumanay na wika ni Jake sa kanila.
Nilahad ni Jake ang kanyang braso sa akin at ipinulupot ko naman ang kamay ko sa kanya.
"Shall we?" aniya ngumiti naman ako sa kanya. Inalalayan niya ako maupo sa upuan at naupo na din ito. Ngayon ay magkaharap na kami ngayon sa harapan ni father.
"Hmm kumusta ka nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?" mahinang wika niya. "Hmmm hindi eh," ani ko. "Hmmm bakit?" pagtataka niya.
"Dahil sa kaexcitedan heheh," natatawang wika ko ngumisi nalang ito si Jake. Natigilan kami ng magsalita si father.
"Bago ko simulan ang seremonya na ito, gusto ko malaman kung meron ba sainyo tumututol sa kasalan na ito. Magsalita na bago mahuli ang lahat," sabi naman ni Father.
Napalingon naman ako sa likuran at sinuri ko ang kapaligiran. Baka kasi may umepal sa kasal namin ni Jake. Madalas pa naman nangyayari iyon sa mga pelikula.
"So wala naman tumututol ay sisimulan ko na—-,"
"Itigil ang kasal!" napalingon naman kami ni Jake sa likuran namin. Halos lahat ay nagbulungan. Nakita ko si Bea na nakatayo ito sa malayo. Lumapit ito sa amin ni Jake.
"Anong ginagawa ng babaeng iyan dito tss!" narinig ko nalang ang naiinis na wika nila Jena at Aezel. Kahit sina Harieth, Sam at Gail nagtataka din.
"Bea? Anong ibig sabihin nito? Tutol ka—," she cutted me off. "No I'm not. Narito ako para hindi tumutol sa kasal," aniya na kinaluwag ng hininga ko.
"Anong ginagawa mo dito hmmmm," malamig na wika ni Jake. "Stacey, Jake I'm sorry. Gusto ko lang sabihin sa kaibigan ko na congrats, and best wishes sainyong dalawa, sana mapatawad mo ako Stacey, bago ako umalis ng bansa," seryosong wika ni Bea.
"Saan ka na pupunta?" pagtataka ko. "Hindi mahalaga iyon, ang mahalaga sana mapatawad muna ako Stacey," sincere na wika niya nilapitan ko ito at niyakap.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
Storie d'amoreStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...