Chapter 33 Sealed His Love

103 12 17
                                    

R-18: This scene has MATURED content ⚠️⚠️‼️. Read at your own risk! 🔞

Yung mga di kaya magbasa just skip this chapter😅.

Stacey's POV

Nagtungo kami ni Jake sa Baguio kung saan ang resthouse nila. Hindi ko naman aakalain na may resthouse ang pamilya ni Jake dito.

Gabi na ng nakaabot kami sa sinasabi niyang resthouse. Napamangha ako ng pumasok ako sa loob. Halos lahat ng mga nasa dingding ay mga paintings.

"Wow ang ganda Jake tss, ang ganda collections niyo ba ito?" manghang wika ko habang binabaling ko ang paningin sa kapaligiran.

"Of course not! Well actually these are my works," aniya na kinatigil ko. "Ano? Ikaw ang gumawa ng mga paintings na ito?" gulat na wika ko ngunit pinisil niya lang ang ilong ko.

"Ouch! Jake naman eh," asik ko. "Hahaha parang wala ka naman bilib sa boyfriend mo ah? Oo ako nga may gawa niyan, hindi niyo pa alam mahilig ako magpinta ng mga magagandang bagay," aniya.

"Okay sige naman po ikaw na, pero ang ganda talaga bakit hindi mo ineexpose ang mga masterpiece mo? Sayang naman oh," naghihinayang kong wika.

"Hehehe okay lang yan gusto mo ipinta kita?" aniya. "Ah ako talaga? Pero hmm mukhang pagod ka na eh, baka hindi mo na-," he cutted me off.

"Hinding hindi ako mapapagod sayo Stacey, hmmm gusto ko na ipinta ang special na tao ng buhay ko. You are my masterpiece," malambing na wika niya namula ako sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang nilalaro ang aming mga ilong.

"Hehe ikaw ah? Pinapakilig mo naman ako eh," masayang wika ko. "Halika sa itaas tayo, kung saan ako nagpipinta," aniya sumunod naman ako sa kanya.

Nang nakaabot na kami mas lalo ako namangha sa mga nakita ko. Punong puno ng artworks ang kanyang kwarto. May nakasabit na paintings sa gilid ng dingding tapos sa harapan namin binungad ang isang malaking canvas na nakalagay ito sa may stand niya.

"Halika maupo ka dito, ipipinta kita," tugon niya agad naupo naman ako sa upuan. "Teka pangit pa nga itsura ko eh, di pa ako nag aayos pwede ba magmake-," he cutted me off.

"No, it's okay, mas gusto ko ang walang make up, gusto ko simple lang. Kaya ko naman pagandahin ito Babe," aniya. "Hmmm okay Jake, sige may tiwala ako sayo," ani ko.

"Hehe okay gusto ko yung natural na Stacey, yung medyo maldita kung tignan pero confident sa sarili," aniya. "Hahah fierce ba gusto mo?" natatawang wika ko.

"Hehe ikaw saan ka mas comfortable," aniya. "Okay sige na simulan mo na ako ipinta," tugon ko. Kumuha si Jake ng mga materials niya sa pagpipinta.

Sinimulan na niya ako ipininta, sa umpisa medyo nangangalay ako dahil sa matagal ako nakamodel dito sa upuan ko. Pero habang tumatagal napansin ko na nagiging maeffort ito si Jake sa akin.

Umabot ng dalawa at kahalating oras bago niya matapos ang pagpipinta sa akin.

"So ayan tapos na! Whoo! Ang ganda ng babe ko ah," aniya. "Wait let me see," nagtungo ako sa kanya para tignan ito.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon