Chapter 27 Confession❤️

119 13 96
                                    

Stacey's POV

Huminto ang sasakyan namin sa tapat ng building. Kung saan dito ang condo unit ni Jake. Bumaba si Jake ng kanyang kotse at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinawakan niya ang pulsuhan ko at kinaladkad niya ulit ako papasok ng building.

"Jake ano ba! Nasasaktan na ako eh bitawan mo na ako oh," naiiyak kong wika ang higpit ng pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

Pero hindi niya ako pinapansin patuloy kami naglakad paakyat ng condo niya. Nakakapagtataka bakit kelangan namin umakyat ng hagdanan, pwede naman gumamit ng elevator! Pinapahirapan ba ako ng lalakeng ito.

"Jake ano ba! Naririnig mo ba ako ah?!" pabulyaw na wika ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Hanggang sa nakaabot na kami ng condo unit niya. Pumasok kami sa loob ng condo unit niya.

Pagpasok namin agad niya ako kinaladkad paupo sa kama niya.

"Jake ano ba problema mo ah?!" pabulyaw na wika ko habang hinahawakan ko ang pulsuhan ko. Ang sakit ng pulsuhan ko halos mamula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"You know what is my problem?" pagduduro niya sa akin. "Eh ano nga sabi—," he cutted me off.

"YOU ARE MY PROBLEM!" mariin na gulat niya na kinatigil ko. Ako ang problema niya? Ano ba ang problema ng lalakeng ito.

"Ako ang problema mo? Teka bakit ako? Ano nanaman ang ginawa ko?" naiinis kong wika.

"Ano ba ang ginawa mo? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Stacey? Bakit ka nagpahalik doon sa lalakeng iyon na hindi mo naman kakilala ah?!" pabulyaw na wika niya.

"I thought kasi na ikaw iyon, hindi ako nauna siya ang nau—," he cutted me off.

"What? Akala mo ako iyong lalakeng iyon? Bulag ka na ba Stacey ah?! Paano naging ako iyon ah?" maanghang na wika niya para akong bata dito sinesermunan niya.

"Alam mo Stacey naiintindihan kita kung bakit ka nagkakaganyan, kaya ko naman tanggapin ang mga pagkakamali mo, pero ang hindi hindi ko matatangap ay yung binabastos ka ng ibang tao!" mariin na wika niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa mainit na ang tension naming dalawa.

"Kung ayaw mo magbigay ng respeto sa ibang tao, kahit man lamang sa sarili mo Stacey! Respetuhin mo naman ang sarili mo!" dugtong niya pang wika napasapo pa ito sa noo niya, na kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya niya sa akin.

"Ja-Jake, I-I'm so—,"

"Arrgh!" agad sinuntok  niya ang pader na kinagulat ko. Suddenly naupo ito sa sulok at iniyuko ang kanyang ulo.

"Jake ano ba talaga ang problema mo? Sa-sabihin mo naman sa akin eh, minsan hindi na kita maintindihan, ano ba kinagagalit mo? Na ganito ako pasensya na ah? Kung napakabrat kong tignan, eh sa ganito na talaga ako eh," sunod sunod at naiiyak kong wika.

Nagsimula na ako maging emosyonal sa sarili ko.

"Ang sakit din pala sa pakiramdam na hindi mo ako kayang matangap kung sino ako, I thought that you are my friend," naiiyak kong wika. Iniangat niya ang kanyang mukha sa akin.

"Stacey hindi na naman sa ganon na hindi kita tanggap, kaya lang hindi mo naiintindihan ang point ko eh," aniya.

"Eh sabihin mo na kasi eh! Just give me an acceptable reason kung bakit ka ba nagkakaganyan sa akin!" pagsisigaw ko.

"Hmmm I don't like the way  you dress,"aniya na kinatigil ko.

"I don't even like your make up, A-ayoko yung pumupunta ka sa bar, chitchatting with other boy's," dugtong pa niya.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon