Stacey's POV
Lumipas na ang mga ilang linggo hanggang sa sumapit na ang huling araw ng task namin. Tss for almost two weeks ko nakasama ang gago sa paglilinis. Palagi niya ako bantay sarado.
Parang tinalo pa niya yung isang ama bumabantay sa kanyang anak kapag pasaway tss! Heto kami sa may labas ng gym habang nagwawalis ako ng mga kalat sa labas.
"Ahmmm I'm so tired na tss!" maarteng wika ni Bea habang nagwawalis. "Don't worry girls matatapos na natin ito hehehe, tska mamaya magrerelax tayo, ano sa bar tayo game?" masiglang wika ni Magda sa amin.
Hindi ko nalang pinansin ang mga ito dahil sa totoo lang pakiramdam ko nanghihina na ako. Hindi ko lang sinasabi sa kanila may nararamdaman ako.
Mukhang magkakasinat na ata ako tss! This is the firstime na manghina ako ah? Kasalanan ng Jake na iyon kaya magkakasakit ako tss! Nagpatuloy pa rin ako sa pagwawalis alam ko tinatawag nila ako ngunit di ko pa rin sila kinikibo.
"Hey! Bitch ano ba may probs ba tayo kanina ka pa hindi umiimik diyan ah? Are you okay?" nag-aalalang wika ni Bea.
Naisipan ko na rin kausapin ang mga gaga baka ano pa isipin sa akin.
"Ah yeah pagod lang ako, gusto ko na magpahinga," bored na wika ko.
"Okay mamaya magrerelax tayo ano game ka?" sabi naman ni Magda.
"Hmmm kayo nalang pagod na talaga ako gusto ko na matulog, nakakainis kung di lang dahil sa Jake na iyan, nag eenjoy na sana—-," naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita.
"Hey! Kumusta?" napalingon naman ako nakita ko sina Joshua at Jake. May dala pa ang gago na box ng donuts at milktea.
"Hello Jake! Hello Joshua, We're fine! Heto matatapos na kami hehehe," masiglang wika ni Magda.
"Hmmm good by the way magsnacks muna kayo, baka isipin niyo pinapabayaan namin kayo," sabi naman ni Jake. "Wow naman thank you!" masiglang wika ni Magda agad kinuha naman niya yung dalang dala nilang pagkain.
Dumistansya ako ng konti sa kanila at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Habang sila ay nakaupo sa may bench ako panay pa rin ako walis ng walis dito.
"Hey tama na iyan, magpahinga ka na, baka isipin mo di kita pinapahinga ah," sabi sa akin ni Jake. Ngunit di ko ito kinikibo. Ang gago na ito? Matapos ang dalawang linggo tska lang nagpakita ng concern sa akin?
"Hey ano ba? Bingi ka ba? Tss kapag di ka nagpahinga dadagdagan ko ang gina—,"
"Eh di dagdagan mo! Sabagay ganon ka naman talaga eh? Ayos ka din nuh?! Alam ko naman gusto mo pa ako pahirapan? Hindi mo ba alam na pagod na pagod na pagod na pagod na pagod na pago na ako!" mariin kong wika sa kanya, hindi ko na tuloy maiwasan maluha ng konti.
Shit naluluha ba ako? Marahil dahil sa nararamdaman ko ngayon, mainit ang pakiramdam ko tss!
"Hey napapano ka ba? Okay ka lang naninibago ako sayo ah? Hindi ka naman ganyan ah?" pagtataka niya I realized na iba na pala ang kinikilos ko.
Hindi ako ito? Hindi ko pinapahalata sa kanila na mahina ako. Ngayon lang talaga maybe hindi ko na talaga kaya.
"Hmmm wala, sige magpapahinga na ako," malamig kong wika sabay binitawan ko ang walis na hawak ko. Nagtungo ako sa bench para maupo lang. Maya pa ay lumapit si Jake sa tabi ko.
"Hmmmm sige na pwede ka na magpahinga, huwag ka na maglinis tapos na ang task mo," aniya na kinatigil ko. Nabuhayan naman ako sa sinabi niya.
"Atlast! Makakalaya na din ako sa wakas! Hay salamat naman para hindi ko na makita iyang pagmumukha mo, alam mo pinagdarasal ko na sana mag graduate ka na, para naman hindi na kita makita pa!" mariin na wika ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...