Stacey's POV
Habang naglalakad ako papuntang parking area. Mag-aalas sais na ng gabi kakatapos lang namin sa practice. Nang nakaabot na ako sa parking area, nakita ko sina Bea at Magda na nakasandal sa kotse ko habang nakatingin sa akin.
Ano nanaman ba ang problema ng dalawang ito? Tss nako kung away nanaman ang gusto nila, huwag ngayon dahil hindi ako makikipag-away dahil sa sitwasyon ko.
"Ano nanaman ba ginagawa niyo dito ah?" masungit kong wika ngunit ngumisi lang ang mga ito.
"Kumusta ang practice bitch?" sabi sa akin ni Bea. "At bakit mo ako kinakamusta ah? Maayos naman. Nahahandle ko ng maayos ang team ko," maanghang na wika ko.
Agad lumapit ako sa kanila at pinaalis ko sila sa pagkakasandal sa kotse ko. Habang sinususihan ko ang kotse ko ay nagsalita naman si Bea.
"Hmmm balita ko mukhang masaya na si Jake sa piling ng iba," aniya na kinatigil ko. Napalingon naman ako sa kanila.
"Hmmm ano naman ang pinapahiwatig mo ah?" naiinis kong wika. "Oh well Stacey, totoo ba talaga minahal ka ni Jake o baka naman pinaglalaruan ka lang niya," aniya.
"Ano ba pinagsasabi mo ah? Minahal niya ako nuh! May rason lang ako kung bakit ko siya hiniwalayan, tska wala na kayo doon!" mariin kong wika.
"Oh really? Talaga lang? Hmmm mukhang parang okay na okay lang kay Jake na wala na kayo eh, masaya nga siya sa piling ng iba eh," aniya.
Tinignan ko ito ng masama habang nakangisi pa ang kupal sa akin.
"Ano ba ibig mo sabihin ah?" naiinis kong wika agad kinuha niya ang kanyang cellphone at may pinakita ito sa akin.
Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Picture ni Jake na kasama si Irish sa US. Nang nakita ko ito pakiramdam ko parang tinutusok ang aking puso.
"Kung aasa ka pa na magkakabalikan ulit kayo. ASA KA! Dahil ang totoo niyan nagkabalikan na silang dalawa hahahaha," natatawang wika niya.
Nakita ko din na post pala ito ni Irish sa kanyang Instagram.
#Thanksforeverything
#COMEBACK❤️ BFFMas lalo ako nainis ng nakita ko ang word na comeback. Tapos may BFF pa nakalagay. Anong ibig niya sabihin boyfriend forever?
Ibig sabihin nagkabalikan na talaga sila ni Jake. . .
At tuluyan na niya talaga ako iniwan. Nakaramdam ako ng lungkot parang gusto ko magsisigaw at magwala. Ngunit pinakalma ko ang sarili ko.
Bumuntong hininga muna ako habang sina Bea at Magda natatawa pa sa reaksyon ko.
"Hahaha so paano ba yan Stacey bitch, hanggang—-," I cutted her off sa pamamagitan ng pagsampal sa pisngi niya.
"Ouch! How could you—."
"Oh ano? Tapos ka na ah?! Eh so what the hell kung sila na? You know what Bea, hindi siya kawalan sa akin tss. Alam mo kahit ano pa ang sabihin mo sa akin, hinding hindi ako magpapaapekto tss!" maanghang kong wika sa kanila.
Tinalikuran ko na mga ito at sumakay na ako sa loob ng kotse ko. Mabilis ko ito pinaharururot palabas ng school. Habang nasa biyahe ako hindi ko maiwasan maluha dahil sa inis.
"Tss! Bwisit na buhay na ito oh?! Sabagay kasalanan ko naman ito!" pasigaw kong wika.
Habang nagmamaneho ako naisipan ko iparada na muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...