Third Person POV
Simula na naging magkaibigan sina Jake at Stacey naging malapit ang dalawa sa isa't - isa. Pero hindi pa rin mawala sa dalawa ang mga asaran. Parang mga aso't pusa kung mag-away.
Araw-araw kapag pumapasok si Stacey ng school ay sundo at hatid ito ni Jake. Habang tumatagal ay napapansin ni Stacey ang pagiging sincere ni Jake sa kanya. Hanggang sa namamalay ni Stacey na nahuhulog na pala ang loob niya sa binata.
Ngunit hindi niya sinasabi ito kay Jake. Dahil baka nagkakamali lang ito ng kanyang nararamdaman. Mas pinapairal niya pa rin ang pagiging maldita. Ngunit napapansin ng dalaga na may nagbabago sa pagkatao niya.
Mas sinisipag ito mag- aral ng mabuti dahil sa binibigay ni Jake na determinasyon sa kanya. Araw-araw ay palagi ang dalawa nasa library. Kung hindi naman sa library ay nasa loob sila ng office ng student council, para magpatuitor ng mga mahihirap na subjects ni Stacey.
"Hmmm ang hirap naman nito Jake ayoko na nga! Nakakapagod na kasi eh," pagrereklamo ni Stacey.
"Kaya mo yan sus kung kelan ka nagsisimula tska ka sumuko? Dugay pa ang laban Stacey," wika sa kanya ni Jake.
"Hays okay fine! Pipilitin tss! Kung hindi lang dahil bumababa ang grades ko, hindi ko ito gagawin," napakamot nalang si Stacey sa kanyang ulo habang nagsusulat sa kanyang notebook.
"Heheh you're so cute baby!" malambing na wika sa kanya ni Jake sabay gulo ng kanyang buhok. Ngumiti nalang ang dalaga habang nagsusulat ito.
Ngunit lumipas ang mga ilang araw ay napansin ng dalaga na hindi nagpaparamdam sa kanya ang binata.
Mahigit magdadalawang linggo na ito hindi nagpaparamdam. Hindi maiwasan ni Stacey mag-alala kung bakit hindi nagpaparamdam sa kanya si Jake.
Habang naglalakad si Stacey sa ground. Iniisip ng dalaga kung nasaan si Jake.
"Hmmm asan kaya ang mokong na iyon? Ang tagal na niya hindi nagpaparamdam sa akin ah?" naiinis na wika ni Stacey sa kanyang sarili. Natigilan ito ng may tumawag sa kanya.
"Bitch! Kumusta na!" masiglang wika ng kanyang mga kaibigan na sina Bea at Magdalene. Lumapit ang mga ito kay Stacey.
"Hoy! Balita ko mukhang nagiging close na ata kayo ni Mr. President nuh!" masayang wika ni Magda.
"No, were not nuh! Hindi kami friends tska kaya lang ako lumalapit sa kanya for some purpose," pagtatangi ni Stacey pero sa kaloob looban niya ay nakaramdam ito ng konsensya.
Dahil ang totoo niyan ay habang nagiging malapit sila ni Jake sa isa't isa ay nagiging masaya ito.
"Teka nakita niyo ba si Jake? Kasi sabi niya sa akin tuturuan niya daw ako sa calculus," pagpapalusot ni Stacey sa kanyang kaibigan na si Bea.
"Bakit ako tinatanong mo hmmm ewan ko ba sa lalakeng iyon, tss," mataray na wika ni Bea sa kanya. Napansin din ni Stacey na nag-iiba ang pakikitungo sa kanya ni Bea. Simula na naging magkaibigan sila ni Jake.
Ngunit isinantabi nalang ito ni Stacey, maya pa natigilan ang mga ito ng nakita nila sina Harieth at Sam. Kakapasok palang nila sa loob ng university.
"Huy guys si Harieth at Samantha, Ang angas naman may nakabantay pa sa kanila." manghang wika ni Magda.
"Hmmm ayan pala hinahanap mo Stacey oh? Kaya naman pala hindi nagpaparamdam sayo si Jake dahil sa Harieth na iyan," pagsasabat ni Bea napalingon naman si Stacey sa direksyon kung nasaan sila.
Kasama nila Harieth at Sam sina Jake, Joshua at Benedict. Habang pinagmamasdan ito ni Stacey ay nakaramdam ito ng selos.
"Hmmm kaya naman pala nowadays hindi nagpaparamdam ang loko dahil lang sa Harieth na iyon, bakit kasama ni Jake palagi sina Harieth at Sam," wika ni Stacey sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...