Chapter 45 Unexpected News

77 9 4
                                    

Stacey's POV

Habang masayang nag-uusap silang lahat sa may garden ay kausap ko ngayon si Ate Cyril. Hindi siya makapaniwala na buntis na ako, matapos kami magkahiwalay ni Jake.

"I can't believe na buntis ka at ngayon magsi-six months na tss, paano nangyari iyon ah?" di makapaniwalang wika ni Ate Cyril sa akin.

"Nako naman oh Ate Cyril kelangan pa ba tanungin kung paano namin ginawa ito? Ano gusto mo detail Ate Cy? Detail?" ani ko agad tinapik naman niya ako sa noo.

"Ouch! Ate ah ang sakit naman oh!" pagrereklamo ko. "Gaga! Hindi ko sinabi na idetalye mo paano niyo ginawa, ang sa akin lang bakit nangyari ah? Saan niyo ginawa ah? Loko na batang iyon ah? Pag-uwi talaga ni Jake, mababatukan ko talaga siya tss," naiinis na wika ni Ate Cyril sa akin.

"Hmmm huwag niyo naman awayin Ate Cyril, and besides lasing kami ng mga panahon iyon. Pero ginusto namin mangyari iyon Ate. Kaya hindi naman oh ako nagsisisi," pagpapaliwanag ko.

"Oh siya sabagay ano pa naman magagawa ko. Andiyan na iyan eh, Lola na ako. Sa wakas magkakaroon na ulit na chikiting sa pamilya natin hehehe," nanabik na wika niya.

"Hmmm opo," ani ko. "Hmmm at tska may sasabihin ako sayo, mabuti nalang hiniwalayan mo muna si Jake, dahil kung hindi, baka nadamay ka pa," seryosong wika niya.

"Teka ano oh ibig niyo sabihin?" I asked her with curiousity. "Hmmmm pinagbantaan lang naman ako ng lola ni Jake na patayin," seryoso na wika niya na kinagulat ko.

"Oh?! Ano oh?! Pinagbantaan niya kayo na patayin!" gulat na wika ko halos napatingin naman sina Harieth sa amin ni Ate Cyril.

"Hinahan mo nga ang boses mo tssk! Kababaeng tao mo ang lakas ng boses mo," aniya. "Nakakagulat naman oh kasi bakit nila ginawa yun? Mga tao pa ba sila?" dismayang wika ko.

Grabe pala pinagdadaanan ni Ate Cyril kesa sa akin. Ngayon alam ko na ang rason kung bakit pinaghihiwalay muna niya kami ni Jake. Dahil ayaw niya ako madamay lalo na buntis pa ako.

"Sorry sila sa akin kasi hindi nila ako kaya. Matinik ito sa labanan at barilan Stacey. Marami na ako pinatumba na kalaban ko noon. Kaya iyan sina Jake at Benedict, sa akin mga iyan nagmana. Mga bata palang mga yan tinuturuan ko na makipaglaban," sunod sunod na wika niya sa akin.

Hindi ako makapaniwala na ang babaeng ito ang husay sa larangan ng labanan. Ang galing niya kaya naman napakaistrikta.

"Pero huwag ka mag-aalala may alas na tayo, for sure susuko mga iyon. Lalo na napamahal sa kanila si Jake. Hindi na mga iyon mangugulo. At iyan bata na dinadala mo magiging alas natin iyan sa kanila. Hindi na sila tututol sa pagmamahalan niyo dahil may anak na kayo ni Jake," dugtong niya pa lumungkot naman ang mukha ko.

"Hmmm mukhang malabo na oh eh, may Irish na siya. Nagkabalikan na ata sila," malungkot na wika ko. "Aba? Suko na kaagad? Sigurado ka na sila na? Baka malay mo magkaibigan lang ang dalawa, masyado ka naman mabilis babae ka," aniya.

"Eh Ate kasi eh feeling ko naman talaga eh sila na ang sweet nga nila sa picture eh!" ani ko. "Hay nako hindi iyan, maghanda ka ah sasabihin na natin sa kanya ang lahat," aniya na kinatigil ko.

"Tss! Ate naman pwede huwag muna hindi pa ako handa eh! Ate Cyril huwag muna ngayon please," nag-aalalang wika ko.

"Sabihin na natin para matapos na! Uuwi naman siya after ng second sem niya eh," agad sumabat naman si Benedict sa usapan namin.

"Benedict!"

"Hmmm may karapatan si Jake malaman ang lahat. Huwag mo ipagkait sa kanya ito. May karapatan siya dahil siya ang ama ng bata," dugtong niya pa. Hinawakan ni Ate Cyril ang kamay ko.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon