Chapter 26 The Kick-off Party

202 14 117
                                    

Stacey's POV

Makalipas ang isang buwan simula na natapos ang mission nila Jake, ay balik na ulit sa normal ang lahat. Napansin ko din ang pagbabago ng lahat. Nakabalik na din sa pag- aaral sina Kurt, Harieth at Sam sa block namin. Mukhang nakamove on na din sila sa pangyayari sa pamilya nila.

Napansin ko nowadays na nagiging busy si Jake sa thesis niya kasama niya si Joshua, at si Benedict ay nakatransfer na din sa third year college. Naging regular student na ito dahil natapos na niya ang mga back subjects niya. Second semester na namin sa first year college.

Magtatapos na kami lahat bilang freshmen at sa susunod na buwan ay second year college na kami! Ang bilis ng panahon! Gra-graduate na din si Jake kaso hindi pa tapos ang pag-aaral niya dahil magmamasteral pa siya dito sa Ateneo, after ng graduation.

Kakatapos palang ng last subject namin sa pang-umaga. Maglulunch na din kami, niyaya ako nila Jena at Aezel sa cafeteria para kumain.

"Stacey! Excited ka na ba sa kick-off party natin?" masiglang wika ni Jena habang kumakain ako ng pagkain.

"Hmmm kick- off party? Bakit naging kick-off? Para saan ba iyan?" bored na wika ko. "Hala siya hindi niya alam, nakita ko kasi sa bulletin board doon sa department natin. Magkakaroon tayo ng kick-off party sa department lang natin ah? Kasi para ito sa mga fourth year students ng BSBA, dahil gragraduate na sila, aalis na sila at papalit na ang third year sa kanila. Kaya nga kick-off eh," malahad na wika ni Aezel sa akin.

"Hmmm okay," bored na wika ko. "Oh bakit parang di ka masaya? Huwag mo sabihin may mamimiss ka ayieeee!!" kinikilig na wika ni Jena sabay sundot ng tagiliran ko.

"Hey! Huwag diyan may kiliti ako diyan tsk!" asik ko ngunit humagikhik lang sila. Mga loka to, hmmm dati-rati naiilang sila sa akin, pero habang tumatagal nagiging close na din sila sa akin, kahit ang weweird nila.

Mas mabuti na siguro sila mga kasama ko kesa naman kina Bea at Magda. At least hindi mga plastic at traydor ang dalawang ito. Natigilan ako ng nakita ko naglalakad sina Kurt, Sam, Harieth at si Miss Engineering na si Gail.

I wonder, bakit parang nagiging close sila kay Miss Engineering, dati-rati hindi naman. Maya pa ay dumating na din sina Benedict, Jake at Joshua. Nakisali din ito sa table nila Harieth.

Ang lalakeng ito! Natapos lang ang mission nila, ang sabi niya maglalaan daw sa akin ng oras, pero hindi naman. Tss! Medyo nakaramdam ako ng tampo sa kanya.

Maya pa ay napansin na din ako ni Jake na nakatingin sa kanila. Tumayo muna ito at nag-excuse sa mga kasamahan niya at lumapit sa table namin.

"Hey guys! How are you?" masiglang wika niya sa amin. "Kuya Jake! Heto maayos naman oh kami," masiglang wika ni Jena para talaga itong bata kung umasta.

"Hey maldita balita sayo ah?" aniya. "Balita sa akin? Gaya ng dati maldita pa rin ako," masungit na wika ko sa kanya. Naupo ito sa harapan ko at tinignan ako.

"Oh ano ba problema mo ah?" mataray na wika ko napansin ko nakikiramdaman lang sina Jena at Aezel sa amin ni Jake.

"Heheh wala lang did you miss me?" malambing na wika niya maya pa napatili naman sina Jena at Aezel sa amin.  "Ayieee kinikilig ako girl!" kinikilig na wika ni Jena kay Aezel.

"Ehem ehem oo nga eh may ano?" pagsasabat naman ni Aezel. "Tse! Pinagsasabi niyong dalawa ah?" mataray na wika ko.

"Oh? Napapano ka bakit parang defensive mo? Siguro totoo nuh? Hehehe," natatawang wika ni Jake sa akin. "Ewan ko sayo! Ano ba sadya mo ah?" mataray na wika ko.

"Hehe gusto kita yayain sa table namin nila Benedict," aniya na kinatigil ko. Ano daw? Yayayain niya ako?

"Hmmm huwag na tssk! Tska hindi ako pwede diyan sa grupo niyo, sila kasi ang babait at ang popormal, eh ako hindi? Kaya thank you nalang," maarteng wika ko.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon