Chapter 9 Educational Tour

94 21 22
                                    

Stacey's POV

Naging tikom nalang ang aking bibig sa nalaman kong sekreto nila Jake at Joshua. Hindi ko na pinagkalat na isa sila sa Zorro boy's. Kapag sinabi ko sa lahat o may ginawa ako para mareveal sila, katapusan ko na. . .

Tiyak wala na akong mukhang maihaharap sa lahat kapag ikinalat ni Jake ang nakakahiyang picture ko nung bata pa ako. Tss! Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako napapahiya!

Nakakahiya lalo na kung sa social medias pa niya ipopost ito. Marami pa naman akong followers sa twitter, sa facebook, sa instagram, at sa tiktok tss! Ayoko mapahiya sa mga followers ko because of that embarrassing picture!

Nakakainis kahit kelan talaga pahamak ito si Jake sa akin. Napansin ko bakit  ako na ata dito ang victim niya. Di ba dapat ako ang nang bibiktima tss!

Habang naglelesson kami ay tumingin ako sa may bintana ng room. Iniisip ko asan na kaya si Jake? Sana hindi niya pinapakita ang picture ko sa iba tss! Natigilan ako ng nakita ko si Jake sa labas ng bintana, sa may ground ng school.

He is wearing a jersey sports attire, marahil magprapractice ito ng basketball with his team. Maya pa nanotice niya ako na nakatingin sa kanya. He wave his hand to me sabay iwinawagayway niya pa yung picture ko!

"Oh my god?! Jake! Tss!" naiinis kong wika sabay kuyom ng kamay ko sa table. Ngunit ngumiti lang ito sa akin sa malayo sabay flying kiss sa akin.

Nakakainis! Kahit kelan talaga bwisit sa akin ang lalakeng ito! Natigilan ako ng tinawag ako ni Sir.

"Miss Villanueva are you with us? Kanina pa kita tinatawag," masungit na wika niya. Napatingin naman ang lahat sa akin. Agad tumayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Yes Sir I'm here what is it?" pagtatanong ko. "Now answer my question, who is the mathematician who discovered the Calculus?" masungit na tanong niya sa akin.

Naletche na! Shit hindi ko alam ang sagot ah? Ang hirap ng tanong, di pa naman ako familiar sa mga mathematicians.

"Ah eh Sir—," nauutal kong wika. "You don't know the answer uh? Nextime kasi hindi puros paganda lang ang inaatupag mo, tss," dismayang wika niya. Pinaupo nalang ako ni Sir nakakainis, I'm out of my mind na!

Dahil sa Jake na iyon ginulo niya ang aking isipan. Natigilan ako ng tinawag ni Sir si Samantha.

"Miss Rodriguez can you answer my question?" pagtatanong ni Sir agad tumayo naman ang nerdy.

"Yes Sir, well Calculus, known in its early history as infinitesimal calculus, is a mathematical discipline focused on limits, continuity, derivatives, integrals, and infinite series. Isaac Newton and Gottfried Wilhelm Leibniz independently developed the theory of infinitesimal calculus in the later 17th century," malahad na wika niya.

"Oh nice answer Miss Rodriguez, talagang inilahad mo pa talaga pati ang history ng calculus," manghang wika ni Sir sa kanya.

"Thank you Sir," masiglang wika niya tapos sabay smirk sa akin. Ang yabang porket matalino ang gaga tss! Matalino din ako kaya lang tinatamad lang talaga ako mag-isip tss.

Nang natapos na ang letche na subject na ito may isang subject pa kami kelangan pasukan. Habang maingay ang loob ng kwartong ito ay natigilan ako ng pumasok si Sir.

"Hello guys good afternoon, since natapos na din ang mahabang intrams natin at balik ulit tayo sa pagsusunog ng kilay handa na ba kayo?" patanong na wika niya sa amin.

"Sir yes sir," wika nila.

"Okay pero bago ang nakakadugong lesson na ibibigay ko, I have an annoucement." aniya halos nagbulungan mga kaklase ko, ano naman kaya ang pasabog ni Sir.

My Spoiled Brat, My Lover Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon