A/N: Just click the video up there para feel niyo ang scene ng chapter na ito! 😍🤭💍Stacey's POV
Life is too short live the fullest iyan ang motto sa buhay ni Kurt Dela Cruz. Ang kaibigan ko lang naman na happy go-lucky-person. Habang nabubuhay ka pa, sulitin mo ang mga oras, araw, linggo, buwan at taon ng iyong buhay, kasama ang mga mahal natin sa buhay. . .
Sa dinami-dami namin pinagdaanan ni Jake sa buhay, nanatili pa rin kami maging matatag. Pinagpatuloy pa rin namin ang pag-aaral, kahit may anak na kami. Si Jake nagpursige na makatapos sa kanyang pagmamasteral sa kursong business administration.
Dahil siya na talaga ang papalit CEO sa kompanya ng kanyang Daddy. Siya na rin ang tagapagmana ng kompanya ng kanyang Lolo at Lola, dahil mga matatanda na mga ito.
Naging maayos na din ang relasyon ng pamilya namin. Nakakatuwang isipin na nagkakaayos na silang lahat.
Makalipas ang isang taon ngayon ay nasa third year college na ako, konting hakbang nalang gragraduate na rin ako. Habang naglalakad ako sa campus ay natigilan ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Stacey!" napalingon naman ako at nakita ko na palapit sa akin sina Jena at Aezel. "Hey guy's what's up?" masiglang wika ko. "Girl! Kelan ang binyag ni Hero ah? Ikaw ah baka nabinyagan na siya hindi mo kami kinuha na ninang ah, hmmmm" matampong wika ni Jena.
"Hahaha huy ano ka ba! Wala pa nagaganap na binyagan ngayon, busy pa kasi si Jake eh, tska nahihilo na nga ako sa listahan ko. Ngayon ko lang narealize ang dami niyo mga ninong at ninang!" di makapaniwalang wika ko.
"Ayaw mo iyon! Maraming regalo si Hero pagpasko hahaha," natatawang wika naman ni Aezel. "Sabagay hehe, teka bakit ang daming tao sa gym may ano?" pagtataka ko.
"Wow hindi mo alam? Reunion ngayon ng mga captains ng basketball team ngayon. Nung mga nakaraang taon, yung mga grumaduate na na dating varisities at team captains ay magsasama, astig nuh!" masiglang wika ni Jena.
"Ah ganon ba hmmm so ibig sabihin andito din sina Benedict, Joshua at si hmmm Jake?" ani ko. "Yes! Tumpak! Stacey," masiglang wika nila.
"Teka, hmmm wala naman sila sinasabi sa akin may reunion sila, lalo na ito si Jake wala naman siya sinasabi eh," pagdududa ko.
"Baka naman wala talaga sila kasi busy sila, basta nga may reunion sila, tara manood tayo ng reunion celebration nila dali!" nagmamadaling wika ni Jena sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at papunta na kami sa loob ng gym.
"Teka pwede ba tayo manood?"
"Oo naman wala naman na lesson ngayon remember? Dahil nga sa event na ito." masiglang wika nila. Nagtungo na nga kami sa loob ng gym. Halos nakita ko naman sa loob ay puno ng mga studyante. Nakita ko sa stage may live band pala dito, marahil nagpeperform lang mga ito para sa celebration.
Kaya pala ang daming studyante dahil sa live band.
Nakita ko na din ang mga sinasabi nilang datihan na mga team captains ng basketball team noon. Ang iba di ko kilala at ang iba naman kilala ko. Nakasuot ang mga ito na jersey na uniform ng basketball. Nakita ko na din ang ilang sa mga miyembro ng basketball team nila Benedict, Jake at Joshua.
Speaking of these three guys! Bakit wala sila kung mahalaga ang event na ito? Grabe naman kung palalagpasin nila ang reunion nila.
"Hi Stacey! Kumusta!" nakita ko nalang sina Harieth, Sam at Gail.
"Girls kumusta kayo ah?" masayang wika ko. "Ayos lang naman kami," sabi ni Gail. "Tanong ko lang bakit wala sina Benedict at Joshua dito? Di ba kasali din sila sa reunion ngayon?" pagtataka ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/264411452-288-k256688.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat, My Lover
RomanceStacey Villanueva a spoiled brat girl. She wants everything she bounces off with beauty. She likes to play with men, because she doesn't take it seriously when it comes to love. She has rebelled in her life since her twin sister died due to the neg...