Trigger Warning: Cutting
"Thank you, Ria." Nakangiting inabot ko ang ibinigay niya sa akin na mga folders. Ito 'yong mga case na aasikasuhin ko. Nagpaalam siya na gagawan ako ng kape. Malalim na nagpakawala ako ng buntong-hininga at sumandal sa aking upuan. My eyes are hurting a bit because of exhaustion. Kanina pa kasi ako nagbabasa ng mga case files simula kanina pa umaga hanggang ngayon.
Napalingon ako sa malaking bintana. Mukhang uulan pa yata. Sanay naman na ako na gising sa buong araw at sanay na din akong magpuyat. Naaalala ko nga noong nagre-review ako para sa exams sa law school hanggang alas singko ng umaga. Mabuti nalang at ang oras ng exam ko noon ay alas nuebe ng umaga kaya hindi ako nahuli.
Napabalikwas ako sa aking kinauupuan ng tumakbo si Ria papasok sa aking opisina. Fear and sadness is visible on her face. Hindi rin ito makatingin sa akin ng maayos. Kinutuban ako ng masama.
"A-attorney." Napatingin ako sa bagay na nasa kanyang kamay. It was our landline phone. Something was wrong.
Lumalim ang gitla sa aking noo. Agad akong napatayo at tinanggal ang suot kong reading glasses.
"What happened?"
Kinabahan na ako ng may tumulong luha sa mga mata niya. "Your mom..." Napahinto siya bago nagsalita. "She's in the hospital."
Napakapit ako ng mahigpit sa lamesa na parang nawalan ako ng lakas. Even though Ria was still calling me, I rushed out of the office. Parang biglang naging blangko ang isipan ko sa mga oras na iyon. I just want to see my Mom. Pinaharurot ko paalis ang sasakyan ko at mabilis na tinawagan si Daddy. Ilang segundo pa ay sumagot siya.
"Where's the hospital?" maikling saad ko at hinigpitan ang kapit sa manibela.
[A-nak.] Mahinang usal niya.
"JUST TELL ME WHERE SHE IS!" Galit na sabi ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. Natahimik naman ang kabilang linya.
[St. Lukes.]
Agad kong pinatay ang tawag at mabilis na pinaharurot ang sasakyan sa daan. Agad akong tumakbo palabas sa aking sasakyan nang makahinto ako sa harap ng St. Lukes. Tila wala na akong pakialam kung may nababangga akong tao o wala.
"Excuse me, nasaan po si Mrs. Quin?" I asked the nurse who is in the nurses' station. Agad akong tumakbo matapos niyang sabihin ang room number. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang second floor. Napatingin ako sa repleksyon ko mula sa elevator. I didn't even notice that I am not wearing my coat. Niyakap ko ang aking sarili at agad na lumabas sa elevator. Lumiko ako sa isang pasilyo at nakita ko agad si Daddy na nasa labas ng kwarto.
Kumirot ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Nakaupo siya sa labas nito at nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang mukha. Lumapit ako at tinapik siya sa balikat.
"Daddy."
Agad na napalingon siya sa akin at napansin ko agad ang lungkot sa mga mata niya. Papasok na sana ako sa loob ng hatakin niya ako pabalik at niyakap.
"A-anak, whatever happens, it's not your fault okay?" Tumango ako kahit sa loob- loob ko, I know it's always been my fault.
Dahan-dahang pumasok ako sa loob at nakita si Mama na nakatulala habang nakaupo sa hospital bed.
Naglakad ako papalapit at hinawakan ko ang kamay niya. I can't help but to cry when I saw her wrist that has a fresh gauze and bandage. She did it again. She cut her wrist. Agad siyang lumingon sa akin at ngumiti.
"Summer, kasama mo ba ang kuya Luke mo?"
Napahagulgol ako ng malakas ng marinig ko iyon. Nanginig ang mga binti ko at napasinghap ako ng malakas. Para akong kinakain ng pagsisisi at bumabalik ang lahat ng sakit. Mas lalo akong nasaktan nang magpalinga-linga siya at bumakas agad ang takot sa mukha niya ng makitang wala akong kasama.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...