Kabanata 19

21.1K 377 53
                                    

Trigger warning: Self- harm

Nanginginig na hinawakan ko ang seradura ng pinto bago huminga ng malalim. Dahan-dahan ko itong binuksan at napatulala nang makita ang babae. Hindi ko inaasahan ito.

"D-dawn!"

Nanghina ako sa aking kinatatayuan nang makita ang babae na may nakakabit na tubo sa bibig at may nakatusok na dextrose sa kamay. My eyes instantly shifted to the machine standing next to her bed. The room was instantly filled with Olive's cries. Nanghihinang lumapit ako sa kung saan nakahiga si Dawn at umiiyak na pinagmasdan ang kanyang mukha.

"D-dawn?" Nanginginig na sambit ko at hinawakan ang payat nitong braso. Mas naluha ako ng makita ang iilang sugat sa mukha nito. Pumayat din ang babae at malalim ang mga mata.

"S-sam... her wrist." Nanlalaki ang matang itinuro ni Olive ang kamay ng babae.

I burst into tears when I saw numerous slits on her wrist. I touched gently the bruises on her arm. I cried loudly when I saw how peaceful her face was, but it was too painful to watch. Olive was also crying while holding her phone and calling someone. I just focused my eyes on Dawn, who was currently wearing a white hospital gown.

Did she try to kill herself? May problema ba siya? May iniinda? Bakit hindi niya sinabi sa amin?

Why I didn't even notice it!

"I-I'm sorry Dawn... I'm sorry." my voice cracked while caressing her hair.

"Sam? Olive? "

Napalingon kami ni Olive sa pinto nang makita si Gillen na may bitbit na pagkain. Hindi ko na napigilan na lapitan ang lalaki at sampalin.

"What happened to her?! Anong ginagawa mo Gillen! You're supposed to watch her! " I shouted at him while tears streaming down on my cheeks.

Napayuko lang ang lalaki at hindi nagsalita.

"T-tingnan mo! Tingnan mo si Dawn! Anong klase kang manager?! " I pushed him hard. Umiiyak na dinuduro ko siya. "You're supposed to protect her!"

"S-sam." Olive grabbed my waist pero hindi ako nagpatinag. I was really hurt seeing my friend in that state. Kahit sinong kaibigan ay hindi papayag na makitang ganyan.

"S-she just vanished for a week, Sam. A-anong gagawin ko? Hindi ko alam kung saan siya hahagilapin! "

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?!" galit na tanong ko sa kaniya. Sunod-sunod ang paghikbi ko. "Kaibigan niya kami! We deserve to know! " Napakuyom ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko.

"S-sam... Let's talk about this. Kumalma ka muna. " Olive caressed my back and she was also crying. Tiningnan ko ang babae na ngayon ay hulas na ang make up sa mukha at nag-aalalang tiningnan ako. I looked up to prevent the tears from falling and wiped my own cheeks. I heaved out a deep sigh at seryosong tiningnan ang lalaki.

Malalim ang mga mata nito at halata na walang tulog. Nanghihinang umupo ako sa upuan malapit sa kama ni Dawn. Iniwasan ko munang tingnan ang babae dahil ang mga pasa niya sa katawan ang una kong nakikita. Sumisikip ang dibdib ko dahil doon.

"Anong nangyari, Gillen?" mariin na tanong ko sa kanya. Nakatayo ito sa harapan ko at nakayuko.

"U-umalis siya sa apartment niya last week after we had a big fight. Umiinom siya lagi sa apartment niya at umiiyak pero hindi niya sinasabi kung ano ang problema. She also became distant at may malalim na iniisip. "

"Pagkatapos?"

Gillen sighed heavily. "I won't be able to contact her for a few days." he paused. "Kung hindi ko pa siya pina-trace, b-baka hindi ko na siya naabutan. "

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon