Kabanata 29

38.2K 478 217
                                    

I can't believe I have been unconscious for six days!

Ipinaliwanag sa akin ng Doktor na masyadong mahina ang katawan ko dahil sa pagod. I was dehydrated, my white blood cell count was too low, which causes fatigue and, because of my history of anxiety, they decided to administer safe antidepressants and sleep medications.

Hindi ko maintindihan ang iba pa nilang sinabi sa akin pero tumango nalang ako kanina.

Lutang na nakatulala lang ako sa loob ng kwarto ko hanggang sa matapos ang araw. Hindi ko pa din nakikita si Zacharias. Nagtataka din ako nung hinanap ko ang cellphone ko ay ayaw ibigay ni Dawn sa akin dahil mas importante daw na makapagpahinga ako.

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang.

Hindi ko maiwasang malungkot. Kahit galit ako kay Zacharias ay mahal ko pa din naman ito. Gusto ko siyang makita at kausapin. Masyadong mainit ang naging pag-uusap namin nung nakaraan. Hindi talaga maganda kapag nadadala ka ng sariling emosyon. I used to be calm, but these past few weeks, I have been hot-headed. Ang resulta ay lagi kaming nag-aaway ng lalaki. Gustong-gusto ko itong kausapin at ayusin kung ano man ang problema sa relasyon namin.

But right now, he's nowhere to be found.

Ang masakit pa doon, wala siya sa tabi ko.

"Dawn, pumunta ba siya?"

Nakita kong natigilan ang babae sa paglagay ng mga prutas sa side table at umiling sa akin.

Malungkot na napayuko ako. Pinigilan ko ang luha na gustong lumabas sa mga mata ko sa pamamagitan ng pagtingala.

It's been three days since I woke up.

Wala na ba talaga itong balak na puntahan man lang ako?

"S-sam, gusto mo ba ng apple? Ipagbabalat kita. " Pinasigla ng babae ang tinig pero umiling lang ako.

"I-I don't want to eat." Mahinang sambit ko at muling nahiga sa kama. Tumalikod ako sa kaniya at tahimik na umiyak. Sumikip nanaman ang dibdib ko.

Bakit wala pa din siya?

"Sam, naman...kahit prutas nalang please. You must be healthy. I-didischarge ka na bukas. "

Hindi ako sumagot. Napatulala lang ako habang patuloy ang pag-alpas ng mga luha sa pisngi ko. Nababasa na nito ang unan.

"D-dawn... Can you call him for me, please? " My voice cracked.

"S-sam..."

Agad na bumaling ako sa babae.

"Dawn... Baka nag-aalala na 'yon sa akin. Please call him right now. " Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Pilit kong inabot ang kamay niya at mariing pinisil iyon. I don't care if I look desperate right now, I want to see him.

"D... Dawn.... Sige na please... Call him. " Umiiyak na tangis ko. I can't help but to cry in front of her. "Dawn sig----"

"Stop begging, Sam!"

Natigilan ako ng makitang nahihirapan ang mukha ng babae. I was shocked to see a lone tear fall from her eyes.

She reached for my cheeks and sadly smiled at me. "Stop asking for someone... who's not here."

My forehead creased. "Did you know where he is?"

She immediately looked away from me and put the knife down.

"B... Bibili lang ako ng makakain mo." Agad na tumayo siya at lumabas sa kwarto.

I sighed heavily and laid down in bed. Biglang kumirot ang ulo ko.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon