Kabanata 25

29.7K 419 137
                                    

Warning: R18

Read at your own risk!

"Masakit pa din ba ang ulo mo?"

Tumango lang ako sa kaniya at agad na pumasok sa kusina para kumuha ng tubig. Nakauwi na kami mula sa resort dahil nagkaroon din ng biglaang emergency si Dawn sa bahay nila. Kahit ayaw ko itong pauwiin ay pinilit niya ako dahil babalik din daw siya mamayang gabi.

While drinking a glass of water, I could hear his footsteps on my back. I didn't mind him and I walked towards my bedroom. Walang ganang humiga ako dito at agad na nagtalukbong ng kumot. Hindi ko kinakausap ang lalaki simula kaninang umaga. Simpleng pagtango lang ang ginagawa ko sa kaniya. Hindi ko alam. I just don't want to talk to him.

Minutes later, naramdaman kong lumubog ang kanang bahagi ng kama ko at narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. I closed my eyes and focused on the idea of getting some sleep.

"Sam."

Hindi ako sumagot sa tawag niya at nanatili lang akong nakapikit. Nagulat ako ng bigla nitong hinablot ang kumot at tumabi itong humiga sa akin. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya na seryoso lang ang mukha na nakatingin sa akin. His hazel brown eyes were much more beautiful when they were this close. My gaze went down when I saw him pursing his lips. I immediately shifted my gaze away from him and tried to face the other direction when he grabbed my waist to pull me closer.

"Ay! Ano ba! "naiinis na sambit ko sa lalaki na ngayon ay tinititigan ako.

"Usap tayo." Mahinang usal nito habang nakatitig sa mukha ko.

My brows arched. "Anong pag-uusapan?"

Nagulat ako ng bigla nalang siyang ngumiti. "About life... things? It depends on what you say. "

I scoffed. "Wala akong gustong pag-usapan." pagkatapos ay mahinang tinulak ko siya para mapalayo ako.

"Anong problema, Babe? Kanina ko pa napapansin na hindi mo ako kinakausap. "

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki. "W-wala."

"Hmm..." 'yon lang ang narinig ko sa kaniya habang nakatitig ito ng mariin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito. "Tell me what the problem is, Sam."

I gave up and sighed heavily. "Binantayan mo ba si Ate Celestine magdamag habang natutulog ako?"

He was stunned by my question. Hindi nakasagot ang lalaki sa akin agad kaya mas lalong lumala ang gatla ng noo ko.

"Is that the reason why you're not talking to me?" seryosong tanong niya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. I just nodded and simply averted my eyes. I really wanted to hear his answer.

Agad na humiwalay ako sa kanya. "Of course not!"

His brows wriggled. Parang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. "Bakit ka nakasigaw?"

"Ewan ko sa'yo!" naiinis na tumayo ako sa kama at bumuntong huminga ng malalim. Agad na napapikit ako ng niyakap niya ako sa bewang.

"I did not." Mahinang sambit nito. "Hindi ko siya binantayan. She can take care of herself."

Agad na napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya. "Where were you then?"

"I'm with Gillen. We had to get someone who could check on you while you're sleeping. Hindi ako mapakali. "

"Really? "

Tumango ang lalaki sa akin at pumungay ang kanyang mga mata. "Kinabahan ako. Naisugod na kita sa ospital noon. Natatakot ako na baka ganon ulit ang mangyari sa'yo. Malayo ang resort sa syudad. Kailangan namin bumyahe ng ilang oras. "

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon