Kabanata 16

23.3K 385 101
                                    

"Babe, anong gusto mo?" Agad na nalipad ang tingin ko kay Zacharias na nasa labas ng kotse at nakatingin sa akin.

I smiled at him. "Just get a few alcoholic drinks and junk food."

I saw how he playfully wiggled his brows. "Do you want to drink liquor or do you just want me to get drunk?"

I gasped. "Ulol. Gusto ko subukan yung soju! May flavors daw 'yon sabi ni Ria. "

He smiled at me and it showed his dimples on both sides of his cheeks. His hazel-colored eyes were very vibrant because of the sunlight. I really appreciate his looks.

Ang gwapo!

"Fine. Just wait here. Bibili lang ako ng ilang araw na supplies natin. "

I nodded and just stared at him as he walked in a nearby convenience store. Napangiti ako nang buksan ko ang bintana ng sasakyan sa gilid. The warm breeze of air was gently touching my face. Mas maganda talaga kapag nandito sa probinsya. It was so refreshing and relaxing at the same time.

Hindi na talaga nagsayang ng oras ang lalaki at naisipan na dalhin ako kinabukasan sa probinsya niya sa Ilocos Sur. It was my first time visiting that province. Doon kami tutuloy sa rest house ng pumanaw na ina ng lalaki. Sayang lang at hindi ko naabutan ang mama niya. He really seemed happy just by telling me how amazing his mother was. Dadalawin na din daw namin ito sa kanyang puntod sa Ilocos.

I reached for my phone when I heard it ringing. Napatawa ako ng kaunti at sinagot ito. "Anong trip mo?" Natatawang saad ko sa lalaki sa kabilang linya.

[I miss you.] Malambing na sabi nito sa akin.

I rolled my eyes while stopping myself from smiling. "Para kang sira! Nasa loob ka lang ng store akala mo naman ang layo-layo natin! "

I heard him chuckle from the other line. [I just wanted to know if you wanted to eat. I know that you're not even satisfied with the burger you ate earlier.]

I scoffed at him. "Eh sino ba kasing bigla nalang nanghihila habang tulog pa ang tao? Fine. Just get me something to eat. Balik ka na dito. " Nakangiting sabi ko.

[Fine. I'm guilty. I love you.]

"Tse!" I then ended the call. Naiiling na tinanaw ko ang lalaki na nakatingin sa akin mula sa loob. Preskong-presko nitong ibinulsa ang cellphone at nginitian ako.

Masayang ibinalik ko ang tingin sa mga sasakyan na tumatakbo sa daan. Mabuti nalang talaga at nasabihan ko agad si Ria na bibigyan ko siya ng one week off with pay. Mas mabuti din 'yon at para makasama ng dalaga ang kakilala daw nito.

Agad na napatingin ako kay Zacharias nang pumasok ito sa kotse at inilagay sa backseat ang mga binili. Hinampas ko siya ng magaan sa balikat.

"Hindi ko na talaga alam kung may tama ka o wala."

He smiled at me and reached for my hand. "May tama ako sa'yo."

Naramdaman kong gumapang ang init sa aking mukha at agad na umiwas ng tingin sa lalaki.

"Tara na nga! Baka gabihin pa tayo sa kaharutan mo."

He started the car engine and we continued on our way to Ilocos. Medyo hindi ko lang ineexpect ang haba ng byahe. Sabi ni Zacharias ay baka abutin kami ng 6-7 hours depende kung hindi traffic. Mabuti nalang talaga at 5 palang ng umaga ay umalis na kami sa Maynila. Hindi ko yata kayang ma-stuck sa traffic ng ilang oras.

Nagising nalang ako sa mahinang pagtapik sa aking mukha. Mahinang ikinusot ko ang aking mga mata at tinanggal ang nakabalot na jacket sa aking balikat. Lumingon ako kay Zacharias na nakangiti sa akin. I reached for his cheeks.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon