Saan ba nagsimulang nagbago ang lahat?
Umiiyak ako habang niyayakap ni Dawn sa gitna ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. It was too much.... too much pain. Do I deserve this?
Agad na tinanggal ko ang yakap sa akin ni Dawn at nanghihinang tiningnan ang babae. "Leave me alone."
Agad na umiling siya and natatakot na tiningnan ako. "No way, Sam! Dito ka lang!"
Wala akong nagawa kundi ang itulak siya ng malakas paalis sa akin. Nakonsensya ako agad ng masubsob siya sa basang semento ng parking lot. Wala akong inaksayang segundo at agad na kinuha ang bag ko at kinuha ang susi sa loob niyon pati cellphone. Itinapon ko ulit iyon sa semento.
"Sam! Saan ka pupunta?" natatarantang saad niya hawak ang nasaktang braso.
I looked at her and the fear in her eyes was visible. I looked at her while sobbing. "B-babalik din ako. I'm sorry."
I slammed the car door closed and immediately started the engine. I was soaking wet and crying. Agad na nilock ko ang pinto ng makita ko si Dawn na hinahampas ito at sinusubukang buksan.
"Sam! Open the door! Sam!" She shouted while banging the window. Malungkot na tingnan ko ang babae at agad na pinasibad ang sasakyan paalis. Nakatanaw nalang ito sa akin sa likod.
I was crying while driving in the heavy rain. Gusto kong makita si Zacharias! Gusto kong malaman kung bakit niya ito nagawa sa akin! Pinagkatiwalaan ko siya! Minahal ko siya ng buo!
Paano niya nakaya na gawin ito sa akin?
Humihikbing nagmamaneho ako sa basang daan. Mas lalo akong napaiyak ng makita ang mga Christmas lights sa daan. It was only four days before Christmas. Akala ko ay makakasama ko ito ngayong pasko... but why does everything turn out to be like this?
Galit na galit at nanginginig na pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan patungo sa direksyon kung nasaan ang condo niya. Alam ko na nandoon ito! Kakausapin ko siya!
Wala na akong pakialam kahit naka red light. Hindi ako huminto. Dumiretso lang ako sa pagmamaneho habang tumatangis ng malakas. Sumisigid ang sakit at kirot sa buong pagkatao ko.
Unang beses kong magmahal pagkatapos magiging ganito?
My phone rang, but I immediately dismissed the idea of answering it. I know it was my friends. Tatanungin ako kung nasaan ako. Itinapon ko ang cellphone ko sa backseat.
When I parked outside the condo, I heard my tires screech. Agad na lumabas ako sa sasakyan kahit umuulan ng malakas. Nakakuyom ang kamao na pumasok ako sa loob ng building at hindi na nag atubiling batiin ang babaeng nandoon sa front desk. Nararamdaman ko ang titig nito saakin habang naghihintay ako na bumukas ang elevator. Sino ba namang hindi ang titingin sa akin? I was soaking wet and crying.
I jumped in and pressed the floor where he's in right away. I was so mad and hurt. I don't know what I would say in front of him. Ang kapal ng mukha niya!
Tumutulo ang basang damit ko sa sahig ng elevator. I was trembling because I was cold and I was still crying. I can't believe that I'm experiencing this kind of pain right now.
Parang masayado naman yatang mabilis kinuha sa akin ang kasiyahan ko?
I walked out of the elevator and tumakbo papunta sa harap ng pintuan ni Zacharias. I loudly banged the door using both of my hands while crying in agony.
"Zacharias! Open the door! You asshole!" I shouted loudly, but my heart was breaking inside.
Hindi nito binuksan ang pintuan kaya buong lakas ko itong paulit-ulit na sinipa ng malakas. Humahagulgol na hinahampas ko ang pintuan niya para lumabas siya.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...