Kabanata 20

28.4K 445 50
                                    

[How are you, Babe?]

Napangiti ako nang marinig ang boses ni Zacharias sa telepono. I went outside the hospital room because Dawn was still sleeping. Naglakad ako sa hallway at umupo sa bakanteng upuan sa gilid.

"I'm okay. Stable na si Dawn pero baka ilang linggo pa siya dito bago makalabas. " Sagot ko habang tumitingin lang sa mga dumadaan na mga nurses.

It was already nine in the evening at bago ko lang pinatulog si Dawn. She's having nightmares. That is why I chose to stay with her. Wala si Olive dahil may shooting ito habang si Gillen naman ay pinauwi ko muna dahil ilang araw na din itong walang tulog.

[Don't worry, isang buwan nalang makakabalik na ako ulit sa Manila. Tinatapos lang ang construction dito. Umalis kasi ang head engineer at ako ang ipinalit.]

Tumango ako. "I miss you." I sighed heavily.

Isang buwan na pala matapos itong umalis. Mabuti at mabilis din ang takbo ng oras. I was also busy in the day and I'm the one who was with Dawn every night. Mabuti nalang din at naiintindihan ako ni Daddy na madalang nalang akong nakakauwi sa bahay.

[I miss you too, Babe. Gusto na kitang yakapin.] Napapikit ako ng mariin. I was happy that even though he was far from me, he always made me feel that distance didn't matter.

"Salamat pala sa pinadala mo na pagkain kahapon ha at yung boquet ng rose flowers kahit hindi naman kailangan."

He chuckled on the phone. [You deserve what I gave you, Sam. I love you so much.]

"Mahal din kita. Just don't forget to eat your meals. " Paalala ko dito. Mahirap na baka magkasakit ang lalaki habang malayo sa akin. Hindi ko siya maaalagaan.

[Of course, Babe. I heard you.]

Natahimik saglit ang kabilang linya pero agad din siyang nagsalita.

[It will be my birthday next month babe. September 15.]

I smiled. "Of course, how can I forget? Uuwi ka ba niyan? "

[Yes, baka bago mag 15 makakabalik na ako sa Manila. Follow up nalang ang kailangan nila sa akin.]

Natuwa ako sa narinig. He's coming back next month! I had better plan something for him. Nagkausap pa kami ng ilang mga minuto bago ako nag paaalam para makatulog na ang lalaki.

Masayang tumayo ako sa bench at naglakad papasok sa kwarto ni Dawn. Mahimbing na ngang natutulog ang babae. I just fixed her bedding and switched off the lights. Agad na pumwesto ako at humiga sa sofa. I stayed up a little longer thinking about what I would do for his birthday before closing my eyes and falling asleep.

Mahihinang tapik sa balikat ang nakapagpagising sa akin. Papungas-pungas na bumangon ako sa sofa at tiningnan si Gillen na seryosong nakamasid sa akin. Napaayos ako ng upo dahil sa kaniya.

"What are you doing here?" Paos na saad ko sa lalaki. Napakamot lang siya sa batok at tiningnan ang natutulog na si Dawn.

"I can't sleep in my apartment."

Nakataas ang kilay na tiningnan ko ang lalaki. Kaya ko nga ito pinauwi para makatulog pero bakit bumalik din ito agad kinabukasan.

"Bahala ka, just... just don't wake her up yet. She's having nightmares again. "

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mga ng lalaki. "D-did she cry?"

Umiling ako sa sinabi niya at malungkot na tinignan ang kaibigan ko. "No. She's just... screaming."

Malalim na napabuntong hininga ang lalaki at sinabihan ako na siya naman daw ang magbantay. Pumayag nalang ako. I told him to sleep on the sofa and I would just go outside for a cup of coffee.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon