"Magandang hapon! Kamusta iyang kepyas mo? Nadiligan na ba 'yan?" tumatawang bungad ni Olive ng maabutan ko siya sa sala ng bahay namin.
"Ang bastos mo talaga!" Suway ko sa kaniya bago ibinaba ang aking cellphone sa mesa at pabagsak na umupo sa tabi niya. Humikab ako. I'm still sleepy.
Tiningnan niya naman ako bago ibinaba ang tasa ng green tea sa lamesita. Ngising aso ang babae sa akin.
"Oh? Ano na naman?" Asik ko.
"Ikaw ha! Umamin ka nga, nadiligan na ba 'yang keps mo kagabi? Grabe ha! Talagang iniwan mo kami ni Dawn sa party. Malanding to!" She rolled her eyes on me.
I sat properly at mahinang hinatak ang buhok niya. "Tangina mo! Mas dry pa 'to sa dried fish! Shuta ka!" Tumatawa siya habang kumakain ng cake.
Napasandal nalang ako sa couch at bumuntong hininga. I smiled because what happened last night was so surreal. Iniisip ko pa lang masaya na ako. Jusko!
"Oh...alam ko na 'yang mga ganyang ngiti! My god, Summer!" Palatak nito sa akin at pinandilatan ako. "Yung Engineer 'yan no?" She asked, raising her eyebrow to me.
I just smiled which caused her to shriek in joy.
Hinatid ako ni Zacharias kanina. Hindi na siya pumasok dito sa bahay kasi nagmamadali siya. May meeting pa daw kasi siya ulit sa Cavite. Masaya din ang gising ko kaninang umaga kasi nagluto siya ng pagkain para sa aming dalawa.
Agad naman napawi ang ngiti ko ng maalala ang sinabi niya kagabi.
Hayaan mo lang akong gustuhin kita.
"Oh? Bakit may pa-buntong hininga yarn?" Tanong niya sa akin ng makitang napatitig ako sa kisame.
"Umamin eh." Napapikit ako ng bahagya.
Nagulat naman ako ng hablutin niya ako at niyakap. Napapadyak pa ang babae sa tuwa dahil sa sinabi ko. "Oh, tapos? Anong sinabi mo? Dali!"
I played with my fingers while looking at her. " Sinabi ko na hindi pa ako handa."
Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi at seryoso akong pinagmasdan. "Gusto mo na ba siya?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. "I-I don't know. Hindi ko alam."
She sighed and reached for my hand. " I know what you're implying. I understand. If you're not ready yet and you're not sure, that's okay. Take your own pace."
"Masaya naman siyang kasama...and..."
"And?"
I looked at her eyes. Worried. "He made me feel things. things that I couldn't name...but I can't. " Napahinto ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi. "Natatakot ako, Oli."
"Girl, look at me." Malungkot akong tiningnan. "Natatakot ka ba na maging katulad ko? Sa amin ni Dawn?"
I avoided my eyes again. Feeling guilty. She tapped my hand and sadly smiled. "Natatakot ka bang masaktan katulad ng napagdaanan namin?"
I nodded. Hindi ko kaya. Hindi pa ako nakakapasok sa isang relasyon at nagpaligaw kasi.... natatakot ako at buo ang loob ko na hindi talaga 'yon para sa akin.
"I can't.... maybe someday but not right now. I can't imagine myself getting hurt." Mahinang anas ko.
"Paano mo malalaman na mahal mo yung tao kung hindi ka masasaktan?"
Agad na umiling ako sa babae. "N-not right now, Olive. I just.... can't. I'm sorry."
Tinapik niya ang mukha ko. " Okay lang 'yan. Kung gusto ka talaga niya, hihintayin ka niyang maging ready. Nako! Hindi na siya lugi sayo 'no!" Natatawang saad niya at bahagyang pinisil ang kamay ko. Naramdaman ko na pinapagaan niya ang loob ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/196165570-288-k602129.jpg)
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...