EPILOGUE

69K 1K 371
                                    

"Mama Grace, gusto ko paglaki ko ay gagawa ako ng maraming gusali! "

Sumilay ang malaking ngiti sa kanyang mukha. Inabot niya ang aking pisngi at kinurot na may halong gigil. Napangiwi ako.

"Nako! Arias! Mas gusto kong ipatuloy mo sana ang pangarap ko, anak! "

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Mama. "Ano ho bang pangarap niyo, Mama?"

Ginulo niya ang buhok ko bago inilabas ang mga gulay na ipinamili namin sa bayan kanina. Madaming mga gusali doon kanina. Napakalaki! Gusto ko din gumawa ng ganoon!

"Pangarap ko noon maging abogado. " Nakangiting usal ni Mama bago ako nilingon. "Pero nang dumating ka, ikaw na ang pangarap ni Mama. "

Pumaling ang aking ulo bago umupo sa bangkitong kahoy sa loob ng aming lumang kusina. 

"A-abogado? Ano 'yon? "

Lumapit siya sa akin bago ako pinugpog ng halik sa mukha. Hindi ko maiwasan na makiliti sa ginawa niya. 

"Ang mga abogado anak, sila iyong mga nagtatanggol sa karapatan natin bilang tao. Kapag tayo ay hinusgahan ng mga maling paratang ay sila ang magtatanggol sa atin. Ganoon ang mga abogado. "

Napangisi ako ng malaki bago lumayo sa kaniya. Ah! Ganoon pala ang mga abogado! 

Napakamot ako sa aking pisngi. "E, ma! Nahihiya po ako magtanggol ng ibang tao, e. Pwede bang kayo nalang ang ipagtatanggol ko? Kaya ko 'yon!"

Tumawa si Mama ng malakas. "Sus! Batang ito! Hindi pupwede iyan, Arias! "

"Ay! Ayoko nalang maging abogado kung hindi ikaw ang ipaglalaban ko, Ma! Gusali nalang! Gagawan kita ng mas mataas pa sa mga nakikita nating gusali sa bayan! Kahit ilan pa 'yan. "

Binatukan ko niya ako. "Aysus ko! Kung hindi ka mag-aabogado ay sana iyong mapapangasawa mo nalang! Nang may magtatanggol sa isang makulit na batang tulad mo! Lapitin ka pa naman ng basag-ulo. "

Niyakap ko si Mama sa bewang. "Ako Mama, gusto ko ng babaeng katulad mo. "

Hinaplos nito ang ulo ko. "Bakit? "

Ngumisi ako. "Aba'y gusto ko ng babaeng matapang at mabait! Siyempre dapat ay kasing-ganda mo din! "

Napahalakhak ako nang pingutin ni Mama ang aking tainga. Pilit na lumalayo ako sa kaniya. 

"Nako! Nawa'y mahanap mo ang iyong magiging katapat nang maturuan ka ng leksyon bata ka! Napaka-kulit mo! Makakalbo na ako sa'yo anak. "

Nakaalis ako sa kanyang pagkakapingot kaya kinawayan ko na siya. Makikipaglaro nalang ako sa uhuging si Roa. Sigurado akong nakaluwas na sila mula sa Maynila.

"Mahal kita, Mama! Lalaro kami ngayon ni Roa ng beyblade niya! "Nanakbo na ako paalis habang tumatawa.

"Arias! Bumalik ka rito! "

***

"Nay Jo, wala pa ba si Mama? "

Nakita ko ang pagkabalisa ng mukha niya bago umiwas ng tingin sa akin. Tiningnan nito si Inang Fe na nakatayo 'di kalayuan sa akin na seryoso ang mukha. 

Sumilip ako muli sa bintana at pinagmasdan ang mga sasakyang dumadaan sa tapat ng bahay ni Inang. Nasaan na kaya si Mama? Sabi niya sa akin ay pupunta lang siya sa kalapit na bayan para bumili ng mga kakailanganin para sa ilalako naming empanada. 

"F-felicidad..." Rinig kong usal ni Nay Jo.

"Jo, pakipasok muna si Arias sa kwarto ni Pablo. Dali! "Mariing utos nito. Hindi na ako nagprotesta nang hilahin ako ni Nanay Jo papasok sa kwarto. Tahimik na tiningnan lang ako ni Nanay Jo bago isinara ang pintuan. 

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon