"Why are you in this place?"
Wow? Coming from him?!
"Anong pakialam mo?! What do you expect me to do here? Maglalaba?" Bahagyang lumayo ako sa kaniya.
Napapikit ako ng maramdaman ang pagtama ng malamig na kubeta sa binti ko. Fuck. How do I escape from him right now? Ang kabuuan ng pinto ay nahaharangan niya sa laki ng kanyang katawan!
Sabay na nanlaki ang mga mata namin ng makarinig ng malakas na pagsipa sa labas kasunod noon ay ang malakas na mga boses na parang nagrereklamo. Hindi na ako nakapagsalita ng agad na hinila ako ni Zacharias papasok ng cubicle at isinarado iyon ng marinig namin ang malakas na pagbukas ng pinto. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa posisyon namin dito sa loob ng makitid na banyo.
"Ano ba 'yan! Akala ko talaga may tao dito sa loob dahil nakasara!" Malakas na tinig ng babae ang narinig namin. "Maraming salamat po kuya sa pag bukas!"
I squinted my eyes at him. "Paano tayo makakalabas-"
Agad na natahimik ako ng maramdaman ang malaki niyang palad sa bibig ko dahil agad niya iyong tinakpan. Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa! He had one hand on my waist and the other over my mouth, preventing me from speaking. My face was close to his neck, and he was leaning against me. I can smell his familiar mint scent.
Naramdaman ko agad ang panlalamig ng mga katawan ko. Tiningala ko siya at agad na napatitig ako sa kanyang mukha. His lashes were still long, and he had a well-defined bridge to his nose. Hindi madilim ang paligid kaya mas nakikita ko ang natural na kulay-kastanyo niyang mga mata habang nakatingin ito sa pinto ng cubicle.
My gaze then moved to his lips, where I found myself staring. It was slightly open and reddish in color. This is the second time I've been this close to him in two years. Ang una ay iyong niyakap niya ako kanina tapos ngayon ulit!
Hindi ko na namalayan na lumabas na pala iyong babae na pumasok kanina. I heard him exhale deeply, and he turned to face me.
"She's already gone-"
Our gazes met, and I could tell he was taken aback by how close we were. Nakatingala ako sa kaniya habang siya ay nakayuko habang nakatingin sa akin. He still had his hands in my mouth and around my waist.
I felt his grip on my waist tighten. Ilang libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na rumaragasa sa aking buong katawan at ang pagtaas ng aking balahibo.
His Adam's apple moved, as if a lump had formed in his throat, and his lips were pressed together in a grim line. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng hinila ako nito papalapit pa sa kaniya at binitawan na ang aking bibig. Naramdaman ko agad ang pagdikit ng balat ko sa kaniya.
"Ano ba!" Malakas na saad ko at akmang itutulak na siya pero malakas ang kapit ng braso niya sa bewang ko. Pumiglas ako pero nakatingin lang siya sa mukha ko ng malambot.
"Bitawan mo nga ako! How dare you touch me!" Hinampas ko siya ng malakas sa kanyang dibdib pero hindi siya natinag.
"Just a moment... please." The tone of his voice was different.
Natigilan ako nang makita ko ang pagtitig niya sa mga mata ko na para bang nangungusap ang mga iyon. He had a lot of emotions in his eyes. It was... sad, and something was there.
I swallowed hard when I felt pain across my chest when I saw something in his eyes. "Bitawan mo ako! Why are you looking at me like that?!"
He didn't answer my question. Naging mailap ang mga mata niya at naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa akin.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...