Kabanata 13

23.4K 446 140
                                    

[Sam, sama kayo sa beach party namin ah!]

Natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Olive sa telepono. My eyes are glued to the report that I am holding.

"Ha? Para saan 'yan? Kakalabas lang ng movie niyo ni Chaderron kahapon 'di ba?"

Narinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya.

[Kaya nga daw may pa vacation sa amin! Successful ang first movie namin together! Na hit namin yung target ni Direk!] natutuwang sabi niya sa akin.

"I know. Congrats Oli! "

[Thank you, love. Isama mo nalang din si Engineer. Sa private beach resort daw nila Chaddy sa Batangas eh.]

I just rolled my eyes. "Fine, I'll ask him. Si Dawn? Pupunta ba?"

[Ewan ko doon. Sinabihan ko si Gillen kaso mukhang galit yata. Napabalita na naman kasi si Dawn. May kasama daw na lalaki sa condo. Maybe you should talk to her.]

Napasentido ako dahil sa sinabi ni Olive. Talagang pinapasakit ni Dawn ang ulo ng manager niyang si Gillen. "Fine. I'll talk to her. Baka puntahan ko sa shoot niya sa Mandaluyong."

[Okay. Ingat, Sam!]

Pinatay ko na ang tawag at ibinaba nag papel. I got up and collect my things on the table. Alas sais na pala ng gabi pero wala pa si Zacharias. Nagtaka ako dahil maaga lagi itong pumupunta dito sa opisina ko para sunduin.

Wala si Ria ngayon dahil pinag-leave ko. Habang naglalakad ay tinext ko nalang si Zacharias na huwag na akong sunduin dahil pupuntahan ko pa si Dawn sa Mandaluyong kung saan ay kasalukuyang may shoot ang babae para sa isang magazine.

Nakita ko agad ang nakaparada kong sasakyan at umupo sa driver's seat. I turned on my waze app for the directions. Baka mawala pa ako hindi ko pa naman alam kung saang building sa Mandaluyong.

Habang nagmamaneho ay tinawagan ko si Dawn. I put my earphones and connect it with my phone. After several rings, she answered.

"Yes, Sam?" Napakunot ang noo ko ng makarinig ng ingay sa background niya. Hala! Baka sa kasagsagan ng shoot?

"Dawn, saang building ka banda? I'm coming over. " Usal ko habang nakatutok ang mata sa daan. Napangiwi pa ako dahil sa traffic. Dapat twenty minutes lang nandoon na ako pero baka sa traffic ay abutin ako ng isang oras.

"Banda sa Shangri-la, yung white building. Text mo ako kung nandoon ka na sa labas. Ipapasundo kita kay Gillen. "

"Alright, see you." saad ko bago pinatay ang tawag. Napabuntong- hininga nalang ako sa traffic na nasa harap ko.

Agad na inihinto ko ang sasakyan ko sa isang malaking gusali banda sa Shang-rila. Natext ko na si Dawn at sinabi na nasa labas na daw si Gillen.

Nilinga ko ang paligid at hinanap ang lalaki. Agad na isinukbit ko ang bag ko ng makita ko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt at bullcap. Naka jeans lang ito at kaswal na ngumiti sa akin. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"Hey. "saad ko. Si Gillen.

"Tara sabayan na kita sa loob." Sabi nito sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa building. Sumakay kami ng elevator papunta sa ika-sampung palapag. Nasa unahan ko ang lalaki na para bang busy sa pagtetext. Napailing ako.

Bilib na talaga ako kay Dawn dahil hindi niya nagustuhan itong manager niya. Gillen is just two years older than her. He is so much finer than anyone she had flings with and more of a serious type.

Sumunod lang ako sa kaniya. We walked on the hallway at lumiko pagkatapos ay nakakita ako doon ng itim na pintuan.

He motioned me to go inside pagkatapos ay tumalikod na. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa dami ng nagkalat na damit sa paligid. Pumasok ako at agad na nakita si Dawn na kasalukuyang nagpo-pose at nakasuot ng pulang nighties. Nakaharap ang babae sa kamera at sinusunod ang bawat salita ng photographer. Ngumiti lang ako sa mga nagdaraan doon sa harap ko at pinagmamasdan ang kaibigan ko na kasalukuyang sinuotan ng robe.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon