Kabanata 12

23K 414 122
                                    

"Maam, pinapatawag po kayo ni Doc."

Agad na tumango ako at pinalis ang luhang pumatak sa aking pisngi. Malungkot na hinaplos ko ang salamin ng kwarto habang tinitingnan ko ang payapang mukha ni Mama.

Natutulog ito ng napaka-payapa. Agad kong sinundan ang babae at dinala ako sa loob ng opisina ng Doktor. Agad na napatayo ito ng makita akong pumasok.

"Have a sit Ms. Quin." I nodded at umupo sa harap niya. The doctor sighed and looked at me. "Mabuti at napagpasyahan niyong dito muna si Elena."

Napayuko ako at pinatatag ang loob ko. "Ilang buwan lang diba, doc? Magiging ayos na ang mama ko." My voice cracked. Andito ako ngayon sa Psychiatric Hospital kung saan manunuluyan muna si Mama. Hindi kaya ni Daddy na dalhin dito si Mama kaya ako nalang.

" I'm not sure kung ilang buwan siya mananatili dito pero gagawin namin ang lahat para maging maayos siya. On a daily basis, we meet with, listen to, and observe our patients. From these interactions, we can develop treatment plans to help alleviate their mental distress. Iba't iba ang mga kaso at gusto ko din na tulungan ng Mama mo ang sarili niya." Saad niya at seryosong tumingin sa akin.

Naiintindihan ko. Tumango ako sa kaniya saka naglakad na palabas sa opisina matapos magpaalam. Masakit para sa akin na makita si Mama na nagkaka-ganito. Ni hindi na nito magawang kumain man lang at laging nakasigaw sa bahay. Nahihirapan na din ang private nurse na hi-nire namin para alagaan siya.

Umiiyak na umalis ako sa loob ng Ospital at nangakong bibistahin ko siya para maramdaman niyang hindi siya mag-isa.

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto ng makita ko si Zacharias na nakatayo sa tabi ko. His eyes softened, and he reached out to wipe the tears off my face. I hugged him and cried on his chest right away. Salamat at nandito siya. Hindi niya ako pinabayaan. He hugged me back and caressed my hair.

"It's okay. I'm here. " Mahinang anas nito.

I hugged him tightly. Tuluyang bumuhos ang mga luha sa mga mata. When I left my father earlier, I could still remember his face. He may put on a strong personality, but I know it's breaking him down on the inside. He struggles to let go of my mother due to his love for her. Bagay na gusto ko din na mangyari sa akin kung magmamahal ako.

I wanted to be loved that way.

He held my hand while we were walking on the shore. Dito niya ako dinala matapos kong ihatid si Mama. The skies were gloomy and I could feel that it would rain. Napangiti ako ng mapait. Marunong din palang makisama ang panahon sa nararamdaman ko.

"I know that you're not okay, but I just want to tell you that I will never leave you no matter what happens." Tumigil kami sa paglalakad. His eyes are full of emotions. "If you need someone to talk to, I'm here."

Malungkot na ngumiti ako sa kaniya. "I can't lose my Mom. Sapat na ang mga paghihirap na pinagdaanan niya dahil sa kasalanan ko. "

He immediately gripped my shoulders tightly. "Whatever happened in the past, it's not your fault."

Galit na inalis ko ang braso niya mula sa akin. "It's my fucking fault that my brother died! Dahil sa matigas ang ulo ko at hindi ginustong sumabay sa araw na iyon ay namatay siya dahil sa akin!" I shouted.

"Hindi mo alam ang sakit at hirap na napagdaanan ko! He died protecting me! He pushed me on the sidewalk so that I could live! I saw how that truck ran over my brother's body! I witnessed that! " Umiiyak na tangis ko sa kaniya. "My mother lost herself because of my mistake! It should've been me! Ako dapat yun eh! "

Napaupo ako sa buhangin at patuloy na umiiyak. "Now, my mother is paying the price for my mistake! Now tell me! How could I live a normal life when guilt is swallowing my existence?! "

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon