I stared at my phone and I didn't know what to do.
Nakatitig lang ako sa screen at napapikit ng mariin. Hindi ko alam kung re-replyan ko ba ang babae or hindi. I turned my phone off and walked towards my balcony. I instantly felt the breeze of the wind on my face and I exhaled deeply. Hindi naman sa galit ako sa babae o kung ano man but I just feel awkward whenever I'm with her. Our relationship was not as great as before and ilang buwan ko ding iniiwasan na magkita kami.
Whenever I look at her, I see the woman who came first before I came into his life. Hindi ko maiwasang mainggit. It was my biggest insecurity. I chose to ignore her text message and went on with my day. I went to his condo later that day and decided to sleep there after cleaning. Mas maganda kasi kung malinis ito pag-uwi niya.
"Sam, saan na siya banda?"
My eyes were glued to my phone and I was smiling. I was excited and happy at the same time because we were going to see each other again. Hindi nga ako makatulog kahapon pa dahil gusto ko na talaga makita ang lalaki. Ngayon na ang uwi nito.
Hindi mapakali na umupo ako sa sofa at uminom ng tubig. Nakatingin lang sa akin si Dawn habang hinihintay namin ang lalaki dito sa condo niya. Ang sabi ni Dawn ay aalis din siya kapag narito na si Zacharias. Tinulungan kasi ako nito na magluto at mag-ayos. I stood in front of her and showed her my dress.
"Is this okay? I mean, bagay ba sa akin? " kinakabahang tanong ko sa kaniya. I was wearing a red satin dress above the knee. I also let my long hair fall back and I wear neutral make-up. Pinaghandaan ko talaga ito.
Humalakhak ang babae at ngumisi lang sa akin. "Sam, pwede mag-chill ka ng kaunti? Sigurado din naman na matatanggal din 'yan mamaya! " pang-aasar nito sa akin.
I just rolled my eyes at her and went back to sit on the sofa. Napangiti ako ng makita ang mga hinanda ko na mga pagkain para sa lalaki.
It was already six in the evening at tumawag sa akin ang lalaki kanina. Sinabi nito sa akin na pauwi na siya galing Batangas at baka makakarating na ito before seven. I looked at the place and I filled it with balloons and I even bought a cake for his homecoming. I prepared our candlelight dinner and also prepared a bottle of wine. Nagluto ako ng mga paborito niyang pagkain katulad ng pakbet at adobong manok.
"I really hope he will appreciate this."
Dawn gave me a reassuring smile and held my hand. "Of course! Baka nga gigil na yung makita ka. Jusko! " Natatawang hinampas ko siya gamit ang kabilang kamay ko.
Napatingin ako sa loob ng condo niya.
I can't wait to see him.
***
"Sam, tumawag na ba?"
Malungkot na tiningnan ko ang babae habang nasa loob ng kwarto. Umiling ako sa kaniya at narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Saan na ba kasi 'yon? Malapit ng mag- eleven. Kanina ka pa naghihintay. " inis na sambit ni Dawn sa gilid ko. Pilit na ngumiti ako sa kaniya.
"B-baka natraffic lang." mahinang sambit ko. Nakita kong nag-iba ang emosyon sa mukha niya at tinapik ako sa balikat.
"Sam, baka hindi na 'yon dadating ngayon."
Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti. "Dadating yun. I will wait for him. Hindi pa naman tapos ang araw. " Hindi ko na alam kung kinukumbinsi ko ba siya o sarili ko ang kinukumbinsi ko.
She sighed heavily. "Alright. Tawagan mo nalang ulit. Sa salas lang ako. "
Tumango lang ako sa babae at agad kong dinampot ang cellphone ko na nasa kama. Ilang ulit ko nang tinawagan ang lalaki pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ko. I was really worried.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
Ficción General(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...