"Nom...nom!"
Zacky was holding his car toy and smiling. Maingat na pinapakain ko siya ng cerelac na ginawa ko kanina. Napatawa ako ng sinubukan nitong agawin ang maliit na kutsara sa kamay ko. Maingat na pinisil ko ang kanyang pisngi bago inalis ang nagkalat na cerelac sa kanyang bibig.
"Zacky, Mommy's feeding you."
Tahimik ang suite ko ngayon dahil ang dalawa kong kaibigan ay busy na ulit sa kanilang mga trabaho. Kung hindi ko pa sinabi na okay lang kami ni Zacky dito ay hindi pa sana sila aalis. Of course, they must attend to their hectic schedule, lalo na si Olive na sa pagkakaalam ko ay may ginagawang bagong project ngayon.
"Mommy!"
Napakurap ako at tiningnan si Zacharael na nakataas ang dalawang kamay papunta sa akin na parang inaabot ako. Humaplos ang init sa dibdib ko at napangiti ako ng malawak dahil doon. He wants cuddles, again.
Agad na ibinaba ko ang kutsara sa bowl at inilapit ko ang aking mukha patungo sa kanyang maliliit na kamay. When he held my face and then placed his cheek on mine, he burst out giggling. Yumuko pa ako para yakapin siya ng mahigpit at dahil sa hinalikan ko ang kanyang leeg ay narinig ko ang munti niyang hagikhik.
Lumayo ako ng kaunti at tinitigan ang anak ko. He's absolutely adorable. His hazel-colored eyes glimmered with delight. I can feel his excitement, and he always wants to hug me or touch my face. Marahang hinaplos ko ang kanyang buhok. My son was truly a savior for me. He freed me from the darkness that was about to swallow me whole. He was really my angel... my salvation.
He gave me another reason to live.
Napatingin ako sa aking cellphone ng biglang tumunog iyon. Mabilis na hinalikan ko sa pisngi si Zacky saka inayos ang laruan sa kanyang mga kamay bago tumayo at kinuha iyon. Mabigat na huminga ako bago sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
[A-are you going to the office today? Your table was ready.] Mababang boses na saad niya sa telepono. Naglakad muna ako palayo kay Zacky, dahil baka marinig ng lalaki ang mga tawa nito. I walked towards the large window and looked at the view of the city outside.
I sighed as I took a peek at the papers on top of the table that came from him this morning. Yes, I agreed to that condition of his. I thought about it several times, and it took me almost a week to respond to him. It will all be purely a negotiation I entrapped myself into.
In a meantime, I'm his corporate lawyer.
"Y-yes... but I'll be there in the afternoon, Engineer Valencia, as I said to your secretary yesterday. "
Natahimik ang kabilang linya bago siya muling nagsalita. He cleared his throat.
[A-ahm... o-of course! Abel told me you dropped by yesterday-"]
"Alright." I cut him off and ended the call.
Napahawak ako sa ulo ko matapos iyon. Gusto ko nalang matapos ito. Ayokong guluhin na naman niya ang tahimik ko nang buhay. Since I met him, it felt like he was going to enter my life again. Hindi ko na siya hahayaan. Kailangan matapos na ito at ang mga papeles ay dapat makuha ko na mula kay Attorney Ortalejo.
Napapikit ako ng mariin at tumitig sa labas habang niyayakap ang sarili ko. Ayoko na. Ayoko na ulit magkaroon ng ano mang koneksyon mula sa kaniya. Ito na dapat ang huli.
Bumalik ako sa maliit na living room at ipinagpatuloy ang pagsubo kay Zacky ng pagkain hanggang sa maubos niya iyon. It was only nine in the morning, kaya nakipaglaro muna ako sa anak ko na hindi pa inaantok. Ako pa tuloy ang napagod sa aming dalawa.
Hindi pumapalya ang mga tawag ni Nanay Myrna sa akin lalo na si Caleb na gabi-gabi kung tumawag. Halatang namimiss na kami ng lalaki lalo na ang anak ko na si Zacky.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...