I WOKE UP AT NINE 'OCLOCK IN THE MORNING.
"Shit! Papunta na yata dito si Ria. "
Kahit masakit ang ulo ko dahil sa nakainom ako kagabi ay mabilis pa din akong nagtungo sa banyo ng opisina at naligo. After taking a bath, mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at lumabas sa maliit na kwarto. I wanted to drink coffee kaya pumunta ako sa kitchen at nag-brew ng black coffee. Dahil tinatamad akong bumaba, umorder nalang ako ng tinapay at tapsilog sa Grab food for my breakfast.
I'm dressed in black stiletto sandals and a pencil skirt. Nagsuot lang ako ng white longsleeves with my coat. Bahagyang nilugay ko muna ang buhok ko dahil wala naman akong hair blower dito sa office.
Habang sumisimsim ako ng aking kape, napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Nakita ko si Ria na may hawak na susi. Nagkagulatan kami.
"Oh! Attorney nandito ka na pala. "
I smiled at her. "Ah, yes. Dito ako natulog. "
She went to her desk. "Ay ganoon ba, Attorney. Kumain na po kayo?"
Naiiling na tiningnan ko siya at napangiti nalang. Hawak-hawak ko ang kape habang naglalakad papunta sa aking desk. "Ria, what's my schedule for today?"
Agad naman niyang kinuha ang kanyang notebook at sinabi ang schedule ko ngayong araw. Today was a busy day for me, as I had three meetings. I decided to drop by our house before meeting my clients. I really need to talk to my father about something. I gather my things and put them in my bag. I reached for the folders on the table and was ready to go.
"Ria, just call me if there may be an emergency or problem."
Tumango naman ito agad. "Yes po. Ingat kayo, Attorney! "
Habang nasa sasakyan, nagulat ako ng biglang may tumatawag sa akin. I rolled my eyes when I found out that Olive was calling me. "Yes?"
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. [Wala man lang bang pa- hello diyan?]
I groaned when I was stuck in traffic. Malakas na pinindot ko ang busina. Pilipinas nga naman, oh!
"What do you need?" I asked.
Narinig kong napabuntong hininga siya. [What are your plans for your birthday? Malapit na iyon ah.]
"Same as old," I sighed while my eyes were fixed on the road.
[Hoy! Ang boring naman niyan! Inom nalang tayo ulit!]
Napakunot ang noo ko ng makarinig ng mga ingay sa kabilang linya. "Nasa shoot ka ba?"
She giggled. [Ah, yes! Para sa commercial ng isang skincare. Don't worry nagpaalam naman ako na may tatawagan.]
Napailing ako ng bahagya ng may maalala. "Iinom tayo ulit tapos ano? Tatawagan mo na naman ang ex mo tuwing nalalasing ka? " Sabi ko at ipinausad ang sasakyan. My lips formed a smile when she became silent. Got you!
[Eh, 'di pigilan ninyo ako ulit! Excuse me! Nakamove-on na ako no!]
Napapailing nalang ako. "In your dreams, Strom. Indenial bitch. " Maikling saad ko.
[Hoy anong indenial! Talagang naka move- on na ako ano! Bahala ka nga diyan! Bye na tinatawag na ako. Ingat sa pag drive.] Tila naiinis na sabi nito.
"Take care. I'll hang up. "
Malapit na pala ang birthday ko. One month nalang pero wala pa rin akong plano. Ang tanda ko na. Napangiti ako ng makita ang gate ng bahay namin dito sa Casa Villas. Iyon nga lang medyo malayo ang bahay namin sa office ko. It took between thirty to forty-five minutes to get there, depending on the traffic.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
Narrativa generale(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...