Kabanata 31

50.6K 723 317
                                    

I've never felt so shattered in my entire life, not until my brother died. It was too hard for me to bear when we lost him. I haven't moved on from his death in the past years, yet I've experienced it again for the second time. This time, however, it was more painful.

I closed my eyes and let the tears once again flow down my cheeks. The amount of pain was unbearable. It was eating me alive.

I recall my father hugging me when I was feeling down. I've found solace and peace in him. Countless times I've cried in his arms during my law school years and at times I wanted to give up. Naroon siya. Naroon siya lagi para sa akin...

Napahawak ako sa aking dibdib ng sumikip nanaman ito. Ang dalawang tao sa buhay ko... My brother and my father have both left me.

Sila lang... Sila lang ang laging pinipili ako... sa lahat ng oras at pagkakataon.

I opened my eyes and I felt my hands shaking as I watched my father's casket from afar. I walked slowly towards him while my tears couldn't stop flowing from my eyes. I can feel my legs giving up on me. It felt like I had lost my strength...

I burst into tears when I saw his portrait beside his casket. He was smiling. I miss him already. I managed to touch his casket and when I finally saw his face inside of it, I lost it. I cried loudly and leaned my face against the glass. I hugged the casket tightly with my shaking hands.

"Daddy! No! Wake up, please! D-don't leave me!" Umiiyak na pagtangis ko habang niyayakap ang kabaong niya. Hindi pa ko pa din matanggap. Sa isang iglap, nawala siya amin. Nawala siya sa akin.

Umiiyak na tiningnan ko ang payapa niyang mukha. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakangiti ang kanyang mga labi. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng makita iyon, na para bang pinapaalam niya sa akin na okay na siya... Na masaya na siya kung saan man siya ngayon.

Hindi... Hindi pwede...

Malakas na umiyak ako at marahang hinaplos ang salamin ng kabaong niya. "Daddy... B-Bumalik ka na please...Wag mo din akong iwan...Hindi ko kaya...Parang awa mo na. "

"Sam.."

Nakaramdam ako ng marahang paghaplos sa likuran ko. Umiiyak na tiningnan ko ito at ang luhaang mukha ni Olive and nakita ko. Hindi ako makahinga dahil sa mga luhang dumadaloy sa mukha ko. Ang sakit sakit...Hindi ko kaya.

Agad na niyakap niya ako ng mahigpit. Hinayaan kong tuluyang lumabas ang malakas na hikbi sa mga labi ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay inilabas ko na. Hindi ko pa din matanggap.

"S-sam... Nandito lang kami para sa'yo. Mahal ka namin. "Nanginginig na sabi niya saakin. Pumikit ako at dinama ang malalim na sugat ng puso ko... Mas masakit pala kapag nasa mismong kabaong ko na siya makikita. Parang pinapatay nito ang pag-asa sa puso ko na gigising pa siya... na mayayakap ko pa siya ulit.

"Wala na talaga siya, Oli. Iniwan niya na din ako. Iniwan na nila ako," Tumatangis na sambit ko. Nanghihina ang katawan ko. Nawalan ako ng lakas. Ramdam ko ang mahigpit na yakap niya sa akin habang umiiyak ako sa bisig niya.

"Nandito lang kami. Lagi mong tatandaan iyan, Sam. We will never leave you." marahang sambit niya habang hinahaplos ng marahan ang buhok ko.

I cried even more. "Sinabi din nila sa akin yan... Sabi nila hindi nila ako iiwan...pero iniwan pa din nila ako."

Kung hindi lang sana ako umalis sa tabi ni Daddy noong gabing iyon...nakasama ko pa sana siya kahit sandali. Nadama ko pa sana siya...Nayakap ko pa sana siya.

Puno ng pagsisisi ang puso ko. Nagsisisi ako na pinuntahan ko ang lalaking tuluyang nagwasak sa akin noong gabing iyon. Dahil sa kaniya, hindi ko nakita pang buhay si Daddy sa ospital...

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon