Kabanata 43

66.2K 899 524
                                    

Last Chapter

"Mommy! Mommy!"

Sunod-sunod na ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata dahil sa pagtawag sa akin ng maliit na boses na iyon. Napatungo ako at  napahawak sa aking dibdib.

Why does it have to be this way?

"Summer! Lumayo ka sa lalaking iyan! " Si Caleb habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Zacharias na madilim na ang ekspresyon ng mukha nang tingalain ko ito.

"So you're playing like a sinless saint, you fucker?!" Umigting ang panga ni Zacharias. 

I quickly stood in front of him and blocked his path with tears in my eyes as he was about to walk toward Caleb. My hands trembled and my head shook weakly as I held his arm to restrain him.

"S-stop it, Zacharias..."

Bumaba ang tingin niya sa akin at nakita ko ang pagbago ng kanyang mga mata. I noticed how his eyes were filled with questions, which I'm sure I was scared to answer. Lumamlam ang mga mata niya habang hinahanap sa aking mata ang kasagutan.

"Summer... Who's that child?"

Doon na ako tuluyang nanlambot. Mahigpit na kumapit ako sa kanyang mga kamay habang humihikbi lamang sa kanyang harapan. Hindi ako makapagsalita na para bang naumid ang dila ko.

"Caleb, anong nangyayari dito- Anak!" 

Nalipat ang tingin ko sa matandang babae na nakatayo sa tabi ni Caleb na kadarating lang. Nag-aalala ang mukha nito na nakatingin sa akin. Mas napahagulgol ako ng iyak ng mapunta ang tingin ni Nanay Myrna kay Zacharias. Nanlaki ang mga mata niya. Malamang ay nakikita niya ang malaking pagkakahawig ng anak ko sa lalaki. 

"A-anak...siya ba iyon? "

My heart was pounding, and the pain was showering over me. Hindi na maampat ang luha sa mga pisngi ko at nagmamakaawang tiningnan si Nanay Myrna. 

"Nay...pakikuha po muna ang anak ko, please."

Nangilid ang luha ni Nanay Myrna. "Anak..."

Malakas na napahikbi ako. "P-pakiusap po Nanay, I...Ilayo niyo po muna dito ang bata. "

Doon na kinuha ni Nanay Myrna si Zacky mula kay Caleb. Nagpapasag na ito at malakas na umiyak. Umiiyak ang anak ko habang pilit na itinataas ang mga kamay papunta sa direksyon ko. Mas lalo akong nasaktan dahil doon. Bata pa si Zacky. Dapat hindi siya madamay sa lahat ng maling desisyon ko. Dapat ay hindi niya ito nararanasan. Kasalanan ko. I was selfish.

Tinanguan ko si Nanay. Yakap na niya si Zacky at hinahalikan ang pisngi nito para tumigil na sa kakaiyak. Malungkot na naglakad sila paalis. Naiwan kaming tatlo na nakatayo sa labas ng suite. 

My knees are trembling with fear. Hindi ako handa sa pangyayaring ito. Hindi ko lubos maisip na sa ganito pang paraan...   na sa ganito pang sitwasyon malalaman ni Zacharias ang tungkol sa anak naming dalawa.

Padaskol na hinila ni Caleb ang aking braso. Napangiwi ako dahil masakit iyon. Ang mga kuko niya ay bumbabaon sa aking manipis na balat.

"C-caleb! Nasasaktan ako! "

Galit na binalingan ako ng lalaki at kita ko ang pag-igting ng panga niya. "I've warned you so many times not to meet him! Ginawa mo naman! Sinabi ko sa'yo 'di ba?! What were you thinking! "

Tuluyan akong nahila ng lalaki papunta sa tabi niya, pero agad na naramdaman ko ang mabigat na kamay na pumalibot sa aking bewang at maingat na hinila ako palayo kay Caleb. Napahawak ako sa malawak na dibdib ni Zacharias dahil doon.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon