Kabanata 26

26.7K 400 120
                                    

[The number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please try your call again-]

I was tapping my hands on the table while waiting for him to answer my call. I heaved out a sigh when he didn't answer it. Again.

Napapikit na ibinaba ko ang cellphone ko sa mesa at ibinaliktad ito. Tinanggal ko ang suot kong coat at itinira ang suot kong sando sa loob. Nakita kong nakasunod lang ang mga mata sa akin ni Ria na parang tinitingnan lang ang reaksyon ko.

"Attorney, baka busy lang po iyon. Alam niyo na. "

I gave her a small smile and just nodded towards her. Napahinga ako ng malalim at lumabas sa veranda ng aking opisina. The skies are dark and I can't see a single star from it. The moon can't be seen and all I could see is the city lights from here.

Napakapit ako ng mahigpit sa bakal ng veranda at napatitig sa kawalan. Dahil sa dami ng ginagawa namin ay pareho kaming hindi nagkikita ng lalaki maging ang magkamustahan man lang.

Madalas siya noon dito sa opisina ko ngunit ngayon ay ni hindi ko na siya nakikitang dumadalaw. These past few months were hectic and he's also busy with the construction of the Art Gallery. Kapag tinatawagan ko siya ay hindi niya ito nasasagot at kung minsan ay natutulog na ito sa gabi. Ayaw ko naman siyang disturbuhin dahil alam kong pagod ito magdamag at kulang sa tulog. Naalala ko na sinagot niya ang tawag ko last week para ipaalam lang sa akin na may dalawang projects pa siyang idinagdag kaya ang schedule niya ay mas lalong naging busy.

Malungkot na napayuko nalang ako. Miss na miss ko na ang lalaki. Gusto ko siyang yakapin dahil pakiramdam ko nanaman ay mag-isa ako. Nadagdagan pa ang bigat na nararamdaman ko ng malamang nag-attempt muli si Mama na magpakamatay noong byernes. Iniwan lang ito sandali ng nurse pero pagbalik ay laslas na ang pulso nito. Halos aligaga ako at hindi makatulog sa gabi.

Kung hindi pa ako lumaklak ng mga sleeping pills ay para akong bangkay sa sobrang puyat at putla ngayon. Si Daddy din ay palaging wala sa bahay dahil sa trabaho niya at naiintindihan ko naman iyon.

"Attorney, pwede ka na pong umuwi. Ako na po bahala dito."

Napalingon ako kay Ria na nasa likuran ko na pala. Inabutan ako nito ng tsaa. Nakangiti ang babae sa akin habang binibigay iyon. "Inumin niyo muna 'to para makatulog kayo mamaya."

Iiling na sana ako nang ilagay niya iyon sa kamay ko. "Sige na, Attorney. Kailangan mo 'to."

Napangiti nalang ako sa sinabi ng babae. Lagi na niya akong pinapainom ng tsaa. Batid ko na nag-aalala ito sa akin. "Salamat, Ria."

She smiled at me and nodded. "No worries, Attorney."

Ibinalik ko ulit ang mga mata ko sa labas at dahan-dahang sumimsim ng tsaa na nasa tasa. Napahinga ako ng maluwag matapos iyon. Napagdesisyunan ko nalang na puntahan si Zacharias sa unit niya ngayong gabi. Gusto ko siyang makasama kahit kaunting oras lang.

When it was already seven in the evening, I gathered my things and wore my coat. Agad na nagpaalam ako kay Ria na aalis na ako at tumango lang ito sa akin. Mukhang may gagawin pa siya kaya nagpaiwan sa opisina.

I immediately went to my car and drove off. Nakangiting nagmaneho ako sa daan ng biglang kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako nagdi-dinner. Napangiti ako ng matandaan na paborito ng lalaki ang steak kaya agad na iniba ko ang daan para pumunta muna sa mall para bumili ng karne at ibang ingredients.

I went to the supermarket and bought two large portions of steak meat. Bumili din ako ng butter and a bottle of wine. Habang pumipila sa counter ay chineck ko ang cellphone ko dahil baka nabasa na nito ang mga text messages ko pero nalungkot lang ako ng makitang wala man lang itong isang reply.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon