Kabanata 28

32.4K 468 209
                                    

"Di ba, I told you! Kaso binasted ako nito noon, eh. " Tumatawang saad ni Rusty habang nakatingin sa mga kaibigan niya habang ako ay parang gusto ko nang tumakbo.

"Sam, okay lang ba na dito ka muna sa table namin? I just want to ask how you've been. Matagal din ang apat na taon. " Nakangiting tanong nito sa akin.

I need to get out of here. I have to make an excuse.

"S-sandali lang ha, kasi baka hanapin ako ni Caleb." Sagot ko kay Rusty.

"Ahh... boyfriend mo na ba 'yon? Nako! Tama nga talaga yung kutob ko dati eh. Halatang may gusto iyon sa'yo. Others were talking about it earlier. I didn't know that was really true. " Natatawang sambit niya.

Fuck. He's wrong. Caleb is not my boyfriend. Ngumiti nalang lang ako dahil gusto ko nang umalis. Lumingon sa likuran para sana mahagilap si Caleb. Gusto ko na sanang umuwi kahit kakadating palang namin. Agad na hinagilap ko ang cellphone ko at tinext si Olive na tawagan ako. Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko.

[Hello?]

Pekeng ngumiti ako habang sila ay nakatingin lang sa akin.

"Ha? Talaga? Kailangan na ako diyan? I'll be right there. "

[Ha? Anong sinasabi mo, Sam? You texted me to call you.] Naguguluhang saad ni Olive sa kabilang linya.

Tumalikod ako saglit at mahinang bumulong. "Later."

Agad na pinatay ko na ang tawag at lumingon kay Rusty na nakatingin sa akin.

"I'm sorry, Rivero. May emergency kasi. Kailangan kong puntahan. " I said with an apologetic look on my face. Agad naman na tumango ang lalaki at nakakaunawang ngumiti sa akin.

"No, it's okay, Summer. Ipapahatid na kita." He smiled at me and tapped my shoulder.

I waved my hands. "U-uhm...It's okay. Mag-cocommute nalang ako. Malapit lang naman. "

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan niya sa table pero hindi ko tinapunan ng tingin si Zacharias. Before I left, I gave a side eye to Celestine who was silently looking at me.

Bago bumalik sa table upang magpaalam kay Caleb, pumunta muna ako sa malapit na comfort room. Agad na pumasok ako sa loob at ipinagpasalamat ko na walang tao doon. My hands were now shaking vigorously and my mind was in chaos.

Malakas na bumuntong-hininga ako bago nanginginig na naglakad papasok sa isang cubicle doon. Muntik pa akong matumba kung hindi pa ako nakahawak agad sa hamba ng pintuan.

Nanghihinang napasandal ako agad sa pinto matapos ko itong masara. Wala na akong pakialam kung madumihan man ang suot kong dress. Mas mabigat ang nararamdaman ng dibdib ko ngayon.

How can he lie to me like that?!

The memory of her clinging unto him gives bitterness to my system. It was like my heart had been stabbed right in front of me.

Diba sinabi niya may meeting lang siya? So ano? Lahat ng gabi na sinasabi niyang nasa meetings siya it means na magkasama sila?

"P-putangina..." I grasped my hair and squeezed it tightly. I can not contain the sobs anymore. I tried to stifle my cries but it was too much and loud.

Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Hindi naman siguro ako tonta para hindi mahalata na nanlalamig na ang pakikitungo sa akin ng lalaki. Is she the reason why he is being like that? Gusto niya na ba ulit ang babaeng bumasag sa kaniya?

Paano naman ako?

Saan ba ako dapat lumugar sa buhay niya? Ako yung girlfriend diba? Pero bakit kung hawakan niya si Celestine parang siya pa yung may karapatan sa aming dalawa.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon