Kabanata 32

51K 831 491
                                    

Trigger Warning: Self-Harm

"O God, Creator, and Redeemer of all your faithful people grant us the souls of all our faithful departed. Your mercy, light, and peace Lord, we pray that those we love, who have gone before us in faith, may know Your forgiveness for their sins and the blessings of everlasting life. In ancient Heaven, along with the Virgin Mary and all the angels and saints. Amen."

As I heard the priest say those prayers in front of the two coffins, my tears couldn't stop flowing. I feel like my entire life has lost its meaning. My mind was full of doubt and the pain was making me numb. Naririnig ko ang mga hikbi at iyak sa paligid. Nakatayo lang ako sa harapan habang hawak ang dalawang larawan na nasa aking magkabilang kamay.

Nakakatawa. Ganito ka pala parusahan ng tadhana. Ginawa ko ang lahat upang maging mabuting tao. I've devoted my life to loving those around me, and this is how the world will reward me for my efforts. How ridiculous!

Natahimik ang lahat ng sunod-sunod na napatawa ako ng malakas habang umiiyak. Lahat sila ay napatingin sa akin na para akong may sira sa ulo pero wala akong pakialam. Masaya ako. Masaya akong pinaparusahan ako ng ganito. Sobra na. Sa sobrang sakit ay gusto ko nalang matawa. Buntis na nga, Iniwan pang mag-isa.

Agad na nakaramdam ako ng paghawak sa aking balikat. Tiningnan ko si Olive na umiiyak na nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. "Bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka. Dapat tumatawa ka!"

"Sam!" nahihindik na saad niya bago hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. Malaking ngiti ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos ay iwinaksi ang kanyang kamay sa akin.

"Bakit? Kinaaawaan mo din ako? Kaya ka umiiyak?" Madiing sambit ko sa kaniya. Agad na nakita ko ang takot sa kanyang mga mata pero wala akong pakialam. Masaya ako pero bakit ako lumuluha ng ganito? Nakarinig ako ng mga bulungan sa aking harapan na nagmumula sa mga tao na nakiramay.

Galit na binalingan ko sila ng tingin at dinuro. "Bakit kayo umiiyak? Naaawa din ba kayo sa akin? Pwes! Hindi ko kailangan ng awa niyo!" I yelled and hurled the frames to the ground. I went to push the flowers and destroyed them. Tumatawang tiningnan ko ito habang hindi maampat ang daloy ng luha saaking mga mata.

Summer...

Natigilan ako at nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ang pamilyar na tinig ni Mama. Agad na napatingin ako sa dalawang kabaong na dahan-dahang ibinababa sa lupa. Agad na nanlaki ang mga mata ko at galit na tinakbo ang distansya ng mga lalaki na nagbaba ng mga ito.

"Itigil mo 'yan! Buhay pa sila Mama! She's calling my name!" Malakas na sigaw ko sa lalaki at pinalis ang kamay niya doon sa bakal. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"Sam! L-let's go! You're not well! Please!" Rinig kong sambit ni Dawn habang hinahatak ang bewang ko paatras. Malakas na tinulak ko siya at galit na tiningnan. Nararamdaman ko ang pagguhit ng sakit sa loob ko at natatawang tiningnan siya.

"I'm perfectly fine! You're the ones who are acting like they really died! They're still alive, pero ililibing, niyo? Anong klase kayong tao!" Galit na saad ko at dali-daling sinubukang itaas muli ang isa sa mga kabaong.

Hindi pwede! Hindi pwede na mamatay silang dalawa tapos maiiwan ako! Hindi pwede!

"Sam! Ano ba! Please itigil mo 'yan, Sam!" Umiiyak na sambit ni Dawn sa harapan ko at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa bakal. "Gillen! Pull her away please!"

Agad na naalarma ako ng maramdaman ko ang matigas na kamay na tuluyang humatak sa akin palayo sa mga kabaong. "No! Hindi! Bitawan mo ako! You can't bury them! Please! Hindi pwede!" Malakas na sigaw ko, pero parang bingi lang ito na hinatak ako ng tuluyan palayo doon. Muling nanlaki ang mga mata ko ng makitang ibinababa nilang muli ang dalawang kabaong kaya malakas na nagpapasag ako sa hawak sa akin ni Gillen.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon