"I've already texted her, Sam."
Marahang tumango at ngumiti ako kay Olive na ngayon ay ibinababa sa mesa ang kanyang bag. Hawak ko sa aking bisig ang natutulog na si Zacky. Marahil ay napagod ito, dahil hindi ito tinigilan ni Olive sa kakalaro hanggang sa nakatulog na ang bata.
Agad na inilagay ko muna ang anak ko sa kama dito sa loob ng aking hotel suite. Iniharang ko ang malalaking unan sa bawat gilid nito para hindi siya mahulog. Sumama si Olive sa akin dito matapos ang show niya kanina. Pinahintay niya ako dahil sasama daw siya. Hindi ko na siya napigilan.
I turned to face her after placing the blanket over my son's body. She just gave me a warm smile and then turned to face Zacky. "What?"
"You've come a long way as a mother, Sam."
"I'm grateful to have him."
Nakangiting lumapit ako at tumabi sa kaniya na nakaupo sa sofa. Agad na hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko na para bang natatakot siya na pakawalan ito.
"I'm really happy that you're here now. Don't leave us again. " Malungkot na saad nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya dahil doon. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na panandalian lamang ako dito sa Pilipinas at babalik din kami ng anak ko sa California upang doon na mamuhay ng payapa.
"By the way, who's with you in California? Don't tell me na ikaw lang mag-isa doon?" Nag-aalalang tinitigan niya ako. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"I-I've met people who look after me, Oli."
"Sino?"
I spoke up after a long sigh. "I've met Nanay Myrna. She took good care of me and Zacharael while I'm..." Napahinto ako at napalunok ng mariin. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang pagkakaroon ko ng PTSD and Post-Partum depression.
"Hmm?" Saad niya na naghihintay sa sasabihin ko.
Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala ang nangyari sa akin. It was traumatizing because I vividly remembered being terrified of my own child and attempting to kill him with my own hands. Naramdaman ko agad ang pagsikip ng dibdib ko at panginginig ng aking mga kamay.
"S-sam? What's wrong?" I opened my eyes and I saw how worried she was. She clutched my hand tightly.
Hindi ko na napigilan ang pag-alpas ng luha sa aking mga mata habang nakatingin sa kaniya.
"Sam..."
"After I left, I was diagnosed with PTSD and postpartum depression." When I noticed the pain in her eyes, I stopped. "I lost my sanity for months."
"Oh my god..." A lone tear fell on her cheeks.
"It was difficult, Oli." humihikbing usal ko. "Everything has vanished from my life, and I don't want you to go down with me as well. Hindi ko gustong masira din kayo dahil sa akin." pag-amin ko dito.
"Why were you thinking that way, Sam. We're the closest friends you've ever had. Mas mahal ka namin kesa sa trabaho namin." Umiiyak siya habang hawak ang mga kamay ko.
Malungkot na umiling ako. "Nakita ko...Nakita ko kung gaano din kayo nahihirapan dahil sa akin. I'm aware of what the press was saying about you at that time, Olive. "
Natigilan siya at gulat na napatingin sa akin. I gave a sad smile. "Kahit pilit niyong sinasabi sa akin na walang problema, Alam ko na naaapektuhan na kayo. Because of your absence from several shows and the delay in the release of your film, the media is slandering your image and spreading false information. "
Alam ko iyon. Wala sila nung mga panahong iyon sa bahay nang marinig ko ang balitang iyon sa TV. Because of her frequent absences from various shows, turning down projects, and not being present during the filming of her movie, the media spread rumors about her, claiming she was an incompetent and ill-mannered actress. Nasaktan ako sa mga pambabatikos ng mga tao kay Olive at ang paninira ng imahe niya bilang isang artista. Pinaghirapan niya ang lahat ng iyon at ayaw ko na ako ang maging dahilan para masira at mawala ang matagal na niyang pinangarap na makamit.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...