"Good morning, Babe."
I looked at him and gave a wide smile. Ibinaba ko muna ang hawak kong camera at pinisil ang kanyang pisngi. Kahit bagong gising lang ang lalaki ay napakapresko ng mukha nito kahit na magulo ang buhok. I instantly closed my eyes when I felt him kiss my forehead.
Natatawang itinulak ko siya palayo ng gumapang ang mga kamay niya papasok sa suot kong manipis na sando. Pabirong hinampas ko ang kamay niya ng pisilin nito ang kaliwang dibdib ko. Jusko! Masyado pang maaga para doon!
"Hmm... You smell good, babe. " He said huskily as he put his face on my neck.
"Mamaya na 'yan. Let's eat breakfast first. There are so many activities that are lined up for today, Engineer. I'm sure we really need to keep our energy. " Madiing saad ko sa kaniya.
The side of his lips went up. "Quickie?"
Natatawang umiling ako. "Stop, Babe. Get up now, I'm hungry. "
He instantly kissed my cheeks and went out of the bed. "Dapat kanina mo pa sinabi para nakabangon agad ako."
I scoffed. "Wow, kanina ko pa nga pinipisil yang mukha mo hindi ka man lang dumilat."
He went to the closet and went to get his clothes. Kinuha din niya ang tuwalya sa rack at nilingon ako. "Wait for me. I'll be quick. "
Tumango lang ako pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng banyo. Agad na tumayo ako at nagbihis ng bagong damit. Naka-schedule kasi ang breakfast namin ngayon sa may restaurant area dito. I'm so happy dahil exclusive sa amin ang place at mabuti nalang talaga at kilala ni Dawn ang may-ari. It was less hassle on my part.
I chose to wear a white summer dress above the knee. It was already eight in the morning at masakit ang katawan ko. I must be tired because of the preparations yesterday. Bigla akong napangiti. Okay lang, worth it naman ang surpresa ko sa lalaki dahil natuwa naman ito.
I took the DSLR camera from the desk and wrapped the strap around my neck. I want to take photos so that I can make a photobook. Maganda kasi ang ganon dahil makikita ang memories at saka natuwa ako sa photobook na pinagawa ko noong bakasyon namin ni Zacharias sa Ilocos. Gabi-gabi ko nga iyong tinitingnan. How I wish I could go back to that place again.
Nang matapos na siyang maligo at magbihis ay magkahawak-kamay kaming lumabas sa aming kwarto. Sinilip ko pa ang kabilang kwarto pero wala na doon sina Olive at Dawn. Baka nauna na nagising.
Agad na napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. The wind is so fresh and calming. Nakakatanggal ng stress. Napalingon ako kay Zacharias ng hawiin nito ang buhok ko at inilagay sa kanang balikat ko. Nagtatakang tiningnan ko siya ng bitawan niya sandali ang kamay ko at may inilabas na bimpo.
"Tumalikod ka." Utos niya.
"Bakit?"
Ang mga mata niya ay nakatingin sa mukha ko at hawak nito ang bimpo habang nagsasalita.
"Baka pagpawisan ka, mainit pa naman ngayon."
Napatulala ako sandali sa sinabi niya at siya na mismo ang nagtalikod sa akin. Naramdaman kong inilagay niya sa likod ko ang hawak niyang bimpo kanina.
It was a simple gesture, but it made me smile. Pagkaharap ko ay agad niya akong pinatakan ng halik sa noo at hinawakan ang kamay ko para makapaglakad na kami. Napangiti nalang ako sa kaniya at sumandal sa braso nito habang naglalakad.
"Sam!"
Agad na kumaway ako sa direksyon nila Olive at Dawn ng makita ko sila sa loob ng resto. Agad na hinila ko si Zacharias na nagpahila nalang din sa akin habang umiiling. Nakita ko doon na nakaupo sina Olive, Dawn, Gillen at si Ate Cel na nagkakape. I just smiled at her, but her eyes were on Zacharias who was smiling at my friends.
BINABASA MO ANG
GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)
General Fiction(C O M P L E T E D) PUBLISHED UNDER KPUB PH Note: If you're not into realistic characters, my work is not for you. °°°°° "Suddenly, I felt the silence that I had long sought in my troubled mind. I knew I was back in his arms, back in my one and...