Kabanata 7

27.3K 524 89
                                    

Mas naging madalas ang pagkikita namin ni Zacharias.

I was comfortable with him. Wala namang problema iyon sa akin dahil nga diniretso ko na siya noon. Also, he's a good conversationalist. Minsan nga ay dinadalhan niya pa ako ng pagkain sa opisina ko lalo na't minsan nakakalimutan kong mag-lunch.

Hindi ko maiwasan na mahiya kay Ria dahil siya ang naghahanda ng lunch ko sa office. Dahil makulit pala itong si Zacharias, pinapaubos niya ang dala niyang pagkain kaysa sa hinahanda ni Ria.

"Ayoko na nga. Busog na ako." Pagtanggi ko sa lalaki dahil sumasakit na ang tiyan ko sa sobrang pagkabusog. I don't really eat my meal that much. Mukhang nabigla yata.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Ubusin mo 'yan. Madaming bata ang nagugutom ngayon."

"What's the connection?" seryosong saad ko habang nakataas ang kilay.

"Ang connection ay kailangan mong ubusin 'yan. Dali na! " pilit nito sa akin. "Baka gusto mo lang magpa-subo?" Nakangiting sabi nito na ikinailing ko.

Hinampas ko siya ng malakas sa braso na ikinatawa niya lang. "Stop it!"

"Oo na. "

Nandito na naman siya ulit sa opisina ko. Pilit ko rin iniignora ang mga tikhim at mga tingin ni Ria na nasa kalapit ko lang na desk. Hindi naman niya ako tinatanong pero pakiramdam ko ay iba na ang iniisip niya.

Ipinagkibit balikat ko nalang 'yon at uminom ng dala niyang starbucks coffee. I really liked their iced americano. Parang kahit patay, mabubuhay dahil sa tapang nito. I've always been a fan of strong coffee. It helps me stay awake.

I looked at my watch at nagulat na malapit na palang mag- ala una ng hapon.

"Hala! May meeting pa ako with Mr. Muller. " Napatayo ako.

Narinig ko naman siyang napaubo ng bahagya. Napataas ang kilay ko ng inihit siya ng ubo at mabilis na uminom ng tubig. Namumula ang buong mukha niya.

"Oh? Napaano ka?"

Umiling lang siya at agad na niligpit ang pinagkainan namin bago inilagay sa malaking plastic bag. Itinuro ko naman agad ang trashbin sa gilid niya. Doon niya naman itinapon 'yon.

"Hatid na kita." Agad na kinuha niya ang hard hat na ipinatong niya sa taas ng lamesa ko. Galing kasi siya sa site sa Cavite at dumiretso dito para dito daw kumain. Gusto yatang sumabay lang sa akin.

"Ha? 'di ba may trabaho ka pa?" nagtatakang tanong ko habang inaayos ang mga dadalhin ko. Inabot ko ang folder sa dulo at naglakad papunta sa harapan niya.

"Hindi pa naman ako hinahanap. Tara na." Nakangiti pa ang lalaki. I just rolled my eyes at him bago lumingon sa kabilang direksyon upang magpaalam kay Ria.

"Saan ba daw kayo magkikita?" Tanong ng lalaki habang may tinitingnan sa cellphone nito.

"Sa Coffee Shop lang. " sagot ko at agad na ibinigay ang address. Tumango naman ito agad at nag-drive paalis. Habang nasa loob ng kotse ay tahimik lang ako na nag-aayos ng buhok. Napansin ko din na natanggal pala ang lipstick ko dahil kumain kami kanina. I hurriedly get my lipstick on my bag and compact mirror. Napatingin naman sa akin ang lalaki at napansin ko na pinabagalan niya ang pagtakbo ng sasakyan.

"Oh, it's okay. Kaya ko namang ilagay." Pinabagal pa niya ang pagtakbo para mailagay ko ng maayos ang lipstick ko.

Ngumiti naman siya sa akin at sa marahang umiling. "It's okay. Baka lumagpas pa."

I sighed at nilagyan ang labi ko ng lipstick. Ayoko na makipagdiskusyon. Bumalik naman sa dating bilis ang sasakyan nang makita niyang tapos ko nang gawin.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon