Kabanata 21

23.1K 362 51
                                    

"Ayos ka lang, Sam?"

Bigla akong napatingin kay Olive nang magsalita ito sa harap ko. Marahang tumango lang ako at sumimsim ng mainit na kape sa tasa. Nakatingin lang sa akin ang babae hawak ang kanyang cellphone sa kabilang kamay. I just gestured to her to continue her call and I looked at the window of the cafe. Napangiti ako ng makita ang mumunting patak ng ulan sa kalsada. It was raining.

"Bye. I have to go. " Rinig kong sabi ni Olive at ibinaba ang hawak na cellphone. Nakabull-cap ang babae at ibinaba ang suot na face mask para makakain. Mabuti nalang at nandito kami sa hindi mataong parte ng cafe. Natatakot kasi ako na baka makilala siya ng mga tao at dumugin bigla.

"Who's that?"

She rolled her eyes. "Manager. Pinapatawag daw ako sa office. I'm not going. " Malditang anas nito at kinain ang strawberry cake na nasa platito.

"Baka emergency?"

"Oh, please! I don't want to see his face this early in the afternoon. " Natawa nalang ako sa kaniya dahil halata na masama ang timpla nito dahil kay Valerius.

"Oo nga pala Sam, I can't accompany you later. Sorry talaga, I had to shoot a commercial. Siningit ng manager ko sa schedule ko. Hectic kasi nextweek hindi na naipasok. "

I waved my hands at her. "Of course it's okay! Kaya ko naman bumili ng supplies mag-isa. "

Kailangan ko na kasing mag grocery dahil wala na akong stock sa opisina ko ng pagkain. Wala na akong kinakain magdamag kundi puro take out sa Jollibee. I sighed. Kung nandito lang sana si Zacharias, I may have the will to cook at home. Tinatamad kasi ako kung wala akong ipinagluluto ng pagkain.

We stayed for a couple of minutes there before we separated ways. Naiintindihan at naappreciate ko si Olive dahil kahit busy ito, we always find time to spend time together. Sayang nga lang at wala si Dawn. Paborito pa naman ng babae ang cafe na ito dahil sa cheesecakes nila. Nauna nang umalis si Olive habang ako ay nanatili muna sandali sa loob. Before I left, I bought two cheesecakes for Dawn. Napangiti ako nang maisip na malapit na siyang makalabas sa ospital. She's getting strong every day at sana magtuloy-tuloy na iyon.

Agad na dumiretso ako sa SM supermarket para mamili na ng supplies. Napahinga nalang ako ng malalim dahil marami ang tao ngayon dahil Sunday. Siguradong matatagalan ako nito. I got one push cart and started to maneuver it towards the meat section. Bibili nalang ako ng stock ng chicken at pork dahil parang gusto kong magluto mamaya ng adobo. Kumuha nalang din ako ng ilang mga pampalasa at ilang stocks ng itlog at bacon. Napangiti pa ako nang makita ko ang paboritong chocolate drink ni Zacharias na Chuckie. Kumuha nalang din ako ng dalawang karton para pag-uwi niya ay may stock sa condo.

Higit kalahating oras yata akong naglibot-libot sa grocery bago ko naisipan na pumila na dahil baka gabihin ako ng uwi. Kinakabahan ako dahil baka maabutan ako ng rush hour at ma-traffic pa. Halos umabot ng isang oras bago ako natapos magbayad. I immediately walked towards the exit para umuwi na. Pupunta muna ako sa Condo ni Zacharias bago sa ospital.

Napatingin ako sa kalangitan nang makita kong madilim na at malakas ang hampas ng hangin. Binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa parking dahil pakiramdam ko ay uulan ulit ngayon. Wala pa naman akong dalang payong.

My eyes were focusing on the road. I sighed when I saw the rain starting to fall. Maulan yata ang panahon ngayon. Napabuntong hininga ako ng matandaan ko ang pinag-usapan namin ni Daddy noong nakaraang araw. I was happy when he told me I could finally have my own place, but when I heard his condition, I immediately turned it down. I mean, I would love to have my own house, but I can't stop thinking about Zacharias.

We only started dating a few months ago, and I can't leave him thinking he'd be alone. Ayaw kong iwan ito mag-isa at pumunta ako sa Amerika. I badly know how he hates being left alone. I can't be that selfish person for him. Pero sa totoo lang, nanghihinayang ako sa bahay but I know I can buy my own house soon. Nakaya ko nga maghintay ng ilang taon.

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon