Kabanata 27

27.3K 415 89
                                    

"Nag-away na naman ba kayo?"

Agad na napalingon ako kay Dawn na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. Agad na kinuha ko ang shot glass na inaabot niya at inisang tungga iyon. Napapikit ako ng maramdaman ang init na dumaloy sa aking lalamunan.

"Yes..." Mahinang sambit ko bago ibinaba ang shot glass sa mesa. Tahimik lang na nakatingin sa akin ang babae. I just looked at her calmly, trying to mask the emotions that I was feeling inside.

"Parang madalas na yata. Hindi na 'yan healthy. "

Napayuko ako sa sinabi niya. What's even worse than constantly fighting? Your own boyfriend cannot even look at you in the eyes and always busy with his work.

Napapikit nalang ako at sumandal sa couch. Maingay ang paligid at puno ang Astro ng mga tao. The disco lights are blinding my eyesight and it makes me dizzy.

"Shot ka pa. Pampawala ng sama ng loob. " Alok ni Dawn sa akin. Inilayo ko ang shot glass at ngumiwi sa kaniya.

"Okay na ako sa isa. Masakit sa ilong. Masyadong matapang. "

She rolled her eyes at me. Nakita ko ang disgusto sa mukha niya.
"Ewan ko ba diyan sa lalaki mo! Masyadong pa-yummy ha! Laging busy! " Palatak nito sa akin. Napasentido nalang ako ng inisang tungga ng babae ang bote ng vodka sa gilid. Hindi na nakatiis.

Napatawa ako ng makitang napaubo siya matapos mababa ang bote. "Iyan kasi! Masyadong lasengga!"


"Mas mabuti ng lasengga kaysa naman malungkot, tonta!"

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. My relationship with Zacharias becomes harder as the days pass by. Hindi ko maintindihan ang lalaki kung pagod lang ba ito sa trabaho o may pinagdadaanan na problema.

I have decided to stay in his condo for two weeks now. I hoped that by doing so, I would be able to establish a much better connection with him, na mas makakasama ko siya lagi, pero nagkamali ako. Mas lalo lang itong naging malamig ang pakikitungo sa akin.

Living with him is an impulsive decision. Hindi ko man lang pinag-isipan. Nag-away pa kami ni Daddy dahil doon.

"Makakauwi na si Tita next week 'di ba?"

Napangiti ako dahil doon. "Yes, after five months of therapy."

Masayang tiningnan ako ni Dawn. "Mabuti naman para makasama niyo siya sa pasko!"

Akala ko nga hindi matutuloy, but I always knew my Mom was strong. She was much braver than her trauma. She's much more than her fears. With the help of constant counseling and therapy sessions, her hallucinations become much less. Nakakausap ko na din ito ng maayos at tumatawa na. It felt like she was back to her usual self. Sana magtuloy-tuloy na iyon.

"Wala na naman si Olive?"

Nakita kong biglang bumangis ang mukha ni Dawn. Halatang nagpipigil ng gigil. "Alam mo na kung ano ang pinagkakaabalahan niyon! Pati sa mga gala hindi na nakakasama! "
Hinampas ko siya sa braso ng mahina.

"Ano ka ba! Artista 'yon! Bawal isama kung saan-saan! Baka busy lang sa shooting, ikaw talaga. " Saway ko dito.

"Baka ibang shooting na inaatupag niyan!"

"Dawn!" Pinanlakihan ko siya ng mata na ikinatawa niya lang.

"Duh? Lagi ko yata silang nakikita ni Val na magkasama! Hindi na ako magtataka kung babalikan niya 'yon!"

I sighed. "Hayaan mo na. Kung saan siya masaya, edi dun tayo. Iyon naman ang importante. "

Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng babae. "Wow, parang kailan lang ayaw na ayaw mo kay Valerius. Tapos ngayon g na g ka na? "

GONE WRONG (Gone Series 1: Summer Aine Quin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon