CHAPTER ONE

574 13 10
                                    

THYLANE'S POV:

I am currently walking right now, entering the house. "Manang?" I called for manang but my eyebrows furrowed when I did not get any response.

'Wala ba'ng tao dito?'

Tanong ko sa isip ng walang makita ni isang kasambahay dito.

Napabuntong-hininga na lamang ako saka umupo sa sofa at tinanggal ang sapatos ko. Habang tinatanggal ko naman iyon ay nakita ko ang sapatos ng asawa ko sa may bandang hagdan.
Napa-ngiti naman ako.

'Nandiyan na pala siya,'

Ngunit nawala ang ngiting iyon ng may makitang sapatos ng babae katabi niyon. Agad ko iyong nilapitan. Alam kong hindi ako ang nagmamay-ari ng sapatos na 'to.

I suddenly felt a pang inside my chest. Because I have an idea of what's happening right now. I gripped the skin on my chest and shut my eyes.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang sarili saka ko pilit na inihakbang ang mga paa paakyat ng hagdan upang sumilip sa kwarto ng asawa ko. Habang tinatahak ko ang pasilyo papunta sa pintuan ay hindi man lang nagbago ang tibok ng puso ko. Patuloy iyon sa pagkabog dahil sa posibleng makita ko sa loob ng kwartong iyon.

Bagaman hindi pa tuluyang nakakalapit ay naririnig ko na ang ingay galing sa kwarto 'yon.

"Ugghh! Push it, babe!" malanding ani ng isang babae. Parang piniga ang puso ko sa sakit dahil doon pa lang ay alam ko ng may kasama ang asawa ko.

"Your wish is my command," boses iyon ng asawa ko at nasisiguro kong ginawa niya ang gusto ng babae niya. Tila nagustuhan iyon ng babae kaya nagpakawala siya ng isang impit na ungol.

Humawak ako sa pader at saka ipinikit ng madiin ang aking mga mata. Pinipigilan ang mga likido na namumuo doon. Itinuwid ko ang sarili saka muling huminga ng malalim bago ipinagpatuloy ay ang paglalakad papunta sa kwarto.

Nang makarating sa tapat ng pinto ay ganoon na lamang kabilis ang pagtibok ng puso ko at ang pangangatog ng tuhod ko. Maging ang mga kamay ko ay hindi napigilan ang matinding pagnginig. Ganoon pa man ay ikinilos ko ang katawan at sumilip sa maliit na awang ng pinto. Doon ko nasaksihan kung paano ako ginagago ng asawa ko. Kumuyom ang palad ko habang tinitignan ang kahayupan nila.

"Faster, baby!" malanding ani ulit ng babae. Naging mas malinaw ang boses niya at pamilyar ito sa akin. Hindi lang pamilyar. Kilalang-kilala ko siya. Habang pinagmamasdan ko ang pisikal na anyo ng babae ay natitiyak ko kung sino iyon.

'Ang sekretarya niya!'

'Na pinsan ko rin!'

"Fuck, baby, ugh!" usal ng aking asawa habang gumagalaw sa ibabaw ng sekretarya niya.

"I told you, babe. Hiwalayan mo na 'yang asawa mo, atleast kapag wala na kayo, aaraw-arawin natin 'to," malanding usal ni Lexi. Bahagyang tumigil sa paggalaw si Gabriel saka siya tinignan sa mata.

"That's a great idea baby but not now. We have to stick with the plans,"

'Plans, huh?'

Pinulupot ni Lexi ang mga braso niya sa leeg ng asawa ko na parang isang ahas. "Alright. But tell me, who do you love? Me or Thylane?" nakangising aniya.

"You know I love you, baby. I never loved that bitch. And never gonna love her," bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay malakas ko nang binuksan ang pinto dahilan para magulat sila at tumigil sa ginagawa.

"T-thylane," my husband stuttered when he saw me standing right in front of the door with a blank face.

"Did I disturb you?" I said with a cold voice and in a sarcastic way.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon