THYLANE'S POV:
"Ready?" nilingon ko si Gideon na inaayos ang butones sa may bandang pulsuhan niya. Tanging tango lang ang isinagot ko dahil masyadong naging okupado ang utak ko.
Ngayon ang araw ng paglilitis sa korte at tanging kaba lang ang nararamdaman ko. Inaalala ko kasi kung ano ang mga mangyayari sa loob ng korte sa loob ng iilang minuto o oras at bukod do'n..
Makikita ko ulit si Gabriel..
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko, oras na makita ko siya ulit. Wala pa man ay kinakabahan na ako ng matindi.
'I'm setting you free..'
Bigla ay umalingawngaw sa utak ko ang mga katagang binitawan niya at naramdaman ko ang kakaibang sakit at lungkot sa puso ko.
Hayun na naman yung nakakatakot na sakit..
Yung sakit na pinapatigil ang buong mundo at ang pagtibok ng puso ko..
At nagagawa niyong iparamdam sa akin na pati ang buhay ko ay titigil na rin..
Matapos iyon ay ang mga salitang binitiwan ni manang at ng pasyente ko naman ang narinig ko sa utak ko.
Hindi ko alam pero sa pagkakataon na ito ay labis kong naiintindihan ang mga sinabi nila. Parang unti-unti ay tumatanim sa pagkatao ko ang mga salitang namutawi sa kanilang mga bibig. Pakiramdam ko ay tama nga silang lahat. Na alam ko kung paanong hihinto ang sakit na 'to pero pinahihirapan ko lang mismo ang sarili ko. Baka tama nga sila na ako 'tong nakakapanakit ng iba. Pero ayokong aminin sa sarili ko.
Natatakot akong baka nagkamali nga ako..
Natatakot akong ako ang lumabas na mali.
Inis akong napapikit at ikinuyom ang mga palad ko! I cursed myself in my mind more than once before I opened my eyes. Nagsimula na namang bumigat ang pakiramdam ko. Nakakahinga pa naman ako pero parang nauubusan ako ng hangin sa katawan. Parang gusto kong humiga ng magdamag hanggang sa mawala ang mabigat na pakiramdam na 'to.
"Tala," Gideon called but I didn't looked at him. "Hey...are you alright?"
I sighed over and over again. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang gagawin o hindi na.
"Thylane!" natinag ako sa malakas na pagtawag sa akin ni Gideon.
"W-what?" natutulirong tanong ko.
"Are you alright?" bakas ang pag-aalala sa boses niya at hinawakan niya ang aking siko. Napatitig ako sa kaniya sandali bago sunud-sunod na tumango.
"I'm fine."
"Are you sure?"
"Yes."
He sighed. "Okay. I think we should go."
Hindi na ako nagsalita pa at nauna nang lumabas. Habang tinatahak ang daan papunta sa sasakyan ay muling naglayag ang isip ko. Muli iyong naglaro at lahat ay napunta kay Gabriel.
Inaalala ko kung paano at kung ano ang magiging reaksyon niya mamaya kapag nagkita kami. Gusto kong makita ang bawat ekspresyon ng mukha niya pero...hindi ko alam kung para saan pa. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang alamin ang magiging reaksyon niya gayong gusto ko siyang mawala ng tuluyan sa buhay ko.
Ano ba naman Tala?!
Huminto ako sa paglalakad at huminga ng malalim bago humarap kay Gideon.
"I'll use my car." sabi ko at bakas ang pagtataka sa mukha niya kaya bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "I'll be fine. Let's go." ani ko saka siya tinalikuran. Batid kong hindi niya nagustuhan 'yon pero wala siyang magagawa.
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
