CHAPTER 35

232 10 1
                                    

THYLANE'S POV:

Apat na araw na ang nakakalipas matapos nung maliit na charity case. Dalawang araw ako'ng nasa bahay, isang araw ako'ng nagtrabo sa hospital at nandito ako ngayon sa loob ng office ni Dra. Villafuente. Iyong psychiatrist na nag-check sa akin noong nakaraan.

"Are you still taking the meds?" batid ko'ng tinutukoy niya 'yong mga gamot sa sakit ng ulo.

"Hindi na." iling ko. "Hindi na kasi ako nakakaramdam ng sakit kapag may naaalala ako." dagdag ko pa.

She nodded. "Okay. Nagpapakita pa rin ba ang mga alaala mo?" she asked again.

"Yeah. Mas lalo nga sila'ng nagpapakita sa utak ko ngayon. Kung hindi dalawa ay tatlo'ng beses na may nagpapakita sa utak ko sa isang araw."

"Can you tell me kung anu-ano ang mga naaalala mo?"

I sighed. "May nakikita ako'ng bata sa panaginip ko minsan. May nagpapakita rin na mga tao sa utak ko na hindi naman pamilyar sa akin. Pero kadalasan ay iisang tao lang ang naaalala ko."

Her forehead creased. "And who is that?"

I looked at her intently. "His name is Gabriel."

Her eyes widened when I mentioned Gabriel's name. She stared at me for seconds like she was shock of what I said.

"G-gabriel Monteciara?" parang gulat na tanong niya sa akin.

Taka ako'ng napatingin sa kaniya. "Yes..." I nodded. "You know him?" tanong ko. A part of me is hoping na sana nga ay kilala niya si Gabriel. She can tell me something about him.

"Hindi mo ba siya naaalala?" tanong niya at dahil doon ay lalo ako'ng kinukutuban na kilala niya nga si Gabriel.

"H-hindi...bakit?" tanong ko pabalik.

Nag-iwas siya ng tingin saka umiling bago ako nilingon. Bakas sa hitsura niya ang pagkalito. "Ang akala ko kasi ay nakasama mo siya sa loob ng dalawa'ng taon na nakalimot ka."

Agad ako'ng umiling. "No! Hindi ko siya nakasama...ang totoo niyan ay nito'ng nakaraang buwan ko lang siya nakilala." sabi ko dahilan para lalo siya'ng maguluhan.

"P-paano'ng nangyari 'yon? Eh, siya ang asa—" kusa siya'ng natigilan at hindi naituloy ang sasabihin.

Lalo'ng lumakas ang kutob ko na hindi lang basta parte ng nakaraan ko si Gabriel. Higit pa roon ang naging papel niya sa buhay ko!

"S-siya ang ano?" tanong ko na lumapit pa ng kaunti sa lamesa para lang hintayin ang sagot niya. "Sabihin mo sa'kin—sino siya? Siya ang ano?" sunud-sunod na tanong ko pero nagbaba lamang siya ng tingin at huminga ng malalim.

I lost all of my hopes when she didn't answered me. She just looked down and guilt is plastered on her face.

"I'm sorry." that's all she saud pero alam ko na ang ibig-sabihin noon.

I just nodded. Tama naman talaga kasi siya. Wala siya sa posisyon para sabihin sa akin kung ano ang nalalaman niya. Baka madamay pa siya sa mga problema ko.

I sighed. "Pwede ba'ng gawin natin 'yong ginawa natin noong nakaraan?" iyon na lang ang sinabi ko. Baka sakali'ng may malaman na naman ako'ng bago.

She looked at me before nodding her head. "That's all I could do to help you." her eyes are full of guilt when she said that.

Kahit papaano ay nabawasan ang pagka-dismaya ko dahil willing pa'rin siya'ng tulungan ako'ng makaalala. Hindi katulad nung iba diyan. Tsk!

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon