JULIO'S POV:
"Elena, ipahinga mo muna ang sarili mo. Hindi ka pa nakakatulog." pakiusap ko sa asawa ko na hindi pa'rin tumitigil sa paghaplos sa buhok ni Tala.
"Hindi ko na yata makakayanang magpahinga. Lalo na dahil nakita ko ang aking anak." punong-puno ng emosyon ang ngiti niya habang patulog pa'rin sa paghaplos kay Tala.
"Kailangan mong magpahinga, mahal ko. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan." tumayo ako at lumapit sa kama kung nasaan siya. "Halika na rito at ihahatid kita sa kwarto. Magpahinga ka na." pag-abot ko sa kaniya ng kamay ko. Hindi naman na siya umangal at inabot na lamang ang kamay ko saka tumayo at isinuot ang kaniyang tsinelas.
Lumabas kami ng kwarto kung nasaan si Tala at dumaan sa mahabang pasilyo upang makapunta sa kwarto namin. "Siya nga pala, Julio, paano ninyo naitago ang katawan ng anak ko? Hindi ba't naroon na siya sa malamig na kwarto noong pinuntahan natin siya sa ospital?" nagtatakang tanong ng asawa ko.
"Hindi ko rin alam, Elena. Ang pagkakasabi sa akin ni Gideon habang naroon siya ay nakita niyang gumalaw ang daliri ni Tala at biglang huminga. Kaya naman nagmadali siyang tawagin ako at nakita ko nga na mayroon pang hininga ang anak natin."
"Pero bakit mo itinago sa amin na buhay si Tala?" tanong sa akin ni Elena. Napabuntong-hininga naman ako dahil alam kong hindi na siya titigil pa sa kaka-tanong at kapag nangyari iyon ay hindi na siya makapagpapahinga. Hindi ko na siya sinagot at hanggang sa makarating kami sa kwarto ay hindi talaga siya tumigil sa pagtatanong.
Napabuntong-hininga na lamang ako ulit. "Matulog ka muna at bukas 'pag ka-gising mo ay sasabihin ko sa'yo ang lahat." ani ko habang inaalalayan siyang mahiga. "Goodnight." hinalikan ko siya sa noo bago tumayo ng maayos. Nginitian ko pa siya bago ako lumabas ng kwarto at puntahan si Tala sa kwarto niya.
Sakto namang pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay sumunod na pumasok ang doktor na ipinatawag ni Xavier.
"Good evening, Mister Del Fuego. I am Doctor Harold Anderson. I'll be checking miss Del Fuego." anas ng doktor. Agad ko naman siyang tinanguan at iginiya papunta kay Thylane. Nanatili akong nakatayo sa gilid habang pinapanood ko ang doktor na tignan ang monitor, ang mga dextrose na nakakabit sa katawan ni Tala. Maging ang benda na nakabalot sa ulo niya ay ni-check rin. Matapos iyon ay agad siyang tumayo ng maayos at ibinaba ang hawak na clipboard. Sakto naman ay pumasok ang tatlo kong anak na lalaki.
"How's our sister, doc?" tanong sa kaniya ni Brenton.
"The patient is fine, Mister Del Fuego. I think it's better if she's staying at the hospital para ma-check siyang maigi. But still, it's your decision kung saan siya mag-ii-stay. The vital signs are fine. Her heartbeat is normal and wala naman siyang pinapakitang komplikasyon sa katawan niya." ani doctor Anderson.
"E doc, when will she wake up?" tanong ni Archer.
Napabuntong-hininga naman ang doktor. "I don't know, Mister Del Fuego. Imposibleng gumising siya makalipas ang dalawa hanggang tatlong buwan. Kung i-e-estimate natin ay baka higit isang taon siyang ma-comatose dahil sa bala na tumama sa ulo niya."
"Hindi pa ba pwedeng tanggalin ang bala, doc?" ani Archer na parang nagmamadali.
"We can't do that right now, mr. Del Fuego. It's too risky. Your sister's life will be in danger if we immediately proceed to surgery. Her body needs to recover. Wala pa siya sa kalahati ng paggaling at kailangan niya munang gumising bago namin buksan ang ulo ng kapatid niyo."
"Tss. Matutulog din naman siya 'pag inoperahan niyo."
"E-ehem.." inagaw ko ang atensyon ng doktor kay Archer. "K-kung ganon...matatagalan pa bago gumising ang anak ko?"
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
De TodoLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
