CHAPTER 11

346 10 2
                                    

GABRIEL'S POV:

"Baby..." pagtawag sa akin ni Lexi pero hindi ko siya magawang sagutin. Nagsalin lang ako muli ng alak sa baso saka nilaghok iyong lahat. "Baby, stop drinking." aniya saka kinuha sa akin ang baso at inilapag iyon. Muli siyang humarap sa akin saka inilingkis ang mga braso niya sa leeg ko saka maingat na humaplos.

Umakyat ang mga haplos niya sa pisngi ko saka marahan akong iniharap sa kaniya. Inilapit niya sa akin ang mukha niya at kusa akong napapikit nang mailapat niya ang mga labi niya sa labi ko. Naramdaman ko naman ang mga palad niya na binubuksan ang pang-itaas na botones ng polo ko. Kusa ring gumapang ang mga kamay ko sa iba't ibang parte ng katawan niya. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko ngunit napapikit ako ng mariin ng may biglang pumasok sa isip ko habang magkalapat pa'rin ang mga labi namin.

Umalingawngaw ang baritonong tinig na iyon ni Xavier matapos niya akong sugurin sa bahay kahapon. Ganon na din ang sinabi ni Brenton noong sinugod niya ako sa club kanina. Ang boses ni Archer. At ang boses ni Zach.

Lahat 'yon ay umalingawngaw sa utak ko dahilan para tumigil ako sa ginagawa namin ni Lexi at marahan siyang naitulak saka umiling ng umiling.

"Why?" tanong ni Lexi. "Is there something wrong?" aniya saka muling hinaplos ang pisngi ko ngunit mabilis akong umiwas. "Baby.." nag-aalalang usal niya pa.

"I-It's nothing...I'm just tired." I lied.

"Are you sure?"

"Mm.."

"O-okay." mukhang napahiya siya sa inasal ko. "Uhhmm...by the way, I already have the files we need para mai-transfer sa pangalan mo ang lahat ng pagmamay-ari ni Thylane pati na rin ng pamilya niya...Ang kailangan mo na lang gawin ay..." hindi niya na tinapos ang sasabihin dahil alam ko na iyon.

"Magpapahinga na ko." sabi ko at hindi ko na siya hinintay pang sumagot ngunit bago pa man ako makahakbang ay..

Dinig hanggang sa kusina ang malakas na pagbukas ng pintuan ng bahay!

I also heard footsteps walking towards the kitchen. I think I know who it is. I am pretty sure that it is one of Thylane's friends. I am preparing myself to see who came but my whole body froze when I saw the person.

I felt my heart beating so wild! I didn't expect to see her right now! I feel like my body was being shot with countless bullets because of her deadly stare! Hindi ako makapaniwalang nandidito siya! Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon matapos ang ilang taon! Huminto siya ng ilang dipa ang layo sa akin.

"What do you think you're doing?"

"G-gabbie..."

Oo. Ang kapatid ko ang taong hindi ko inaasahang magpapakita sa'kin ngayon.

"I'm asking you...what do you think you're doing?" mahina ngunit mariing tanong niya. Sapat na para marinig ko ang mga sinasabi niya. Napalunok ako dahil sa kakaibang talim ng mata niya.

"Naririnig mo ba ko o nabingi ka na!?"

"N-no.." I shook my head. "I'm sorry...It's just that...I didn't expect to see you here." I said in a calm tone.

"Me too..." she's still in a cold tone. "I didn't expect to see you here." may diing aniya pa saka nilingon si Lexi. "And you even brought a hooker with you."

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon