CHAPTER SIX

224 6 4
                                    

GABRIEL'S POV:

Hindi ko mapigilan ang malakas na pagkabog ng puso ko habang nagmamaneho ako. Gusto kong ihinto ang sasakyan ko dahil sa matinding paghalo-halo ng isip ko! Wala pang thirty minutes ng makaalis ako sa bahay pero nasa kaniya parin ang isip ko! Parang gustk kong mag-U turn at bumalik na lang sa bahay!

Iginiya ko ang sasakyan ko sa gilid at inihinto iyon do'n...

'From: Lexi'

'Meet me at the stay house, baby. I miss you... See yah later. I Love You!! ;)))'

Itinago kong muli ang cellphone ko ng mabasa ko ang message ni Lexi. Pero mabilis ring nagulo ang isioan ko ng maalala si Thylane!

Inis kong pinukpok ang manibela ko! Sa sobrang dami ay hindi ko mabilang! Napapikit ako ng madiin saka yumuko sa manibela at napasabunot sa sariling buhok.
Doon ko naisip ang sinabi sa akin ni manang noon.

"Bullshit! Bullshit! Bullshit!" sunod-sunod na mura ko. Pilit kong kinalma ang sarili bago simulan ang pagmamaneho.

'From: Jordan.'

'Boss, as of now, I didn't saw any suspicious things with the Del Fuego's...I'll continue observing..'

"[Boss...]" panimula niya sa kabilang linya.

"Tell Andrew to cancel all the meetings. I'll be busy for the whole day." utos ko sa kaniya.

"[You want me to come over, boss?]"

"No...I'm meeting Lexi, today. I'll stay with her until four p.m."

"[Okay, boss..]" aniya saka ibinaba ang linya.

"Ang lakas naman ng loob niyang babaan ako ng telepono..Tsk!" ani ko saka pabatong inilagay ang phone sa katabing upuan.

Bago ako pumunta sa stay house sa batangas ay dumaan muna ako sa store na nadaanan ko. Hindi ko alam kung anong meron doon pero naakit ako sa mga bulaklak na nakalagay doon sa labas ng glass door nila. Itinabi ko ang sasakyan ko at pumasok sa loob ng store. Doon ko lang napansin na random things lang ang nandodoon.

"Good morning, sir. Welcome to our store." pagbati sa akin ng isang male staff. Nginitian ko naman siya at tumango bago nagpatuloy sa paglalakad. Nag-ikot ako at sa bawat estante na nadadaanan ko ay may magagandang bagay. Meron ding mga damit na nakasabit na damit pambata at pangmatanda. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang dalawang magkatabing damit na nakasabit. Pareho iyong pambabae at pareho din ng design. Pang-baby girl at isa pang-mommy. Napangiti ako ng maisip kung sino ang pwedeng magsuot ng ganoon....Si Thylane at ang magiging anak namin...

Pero agad na napawi ang mga ngiti ng maalala kung ano ang ginagawa ko. Imposible nga pala ang iniisip ko dahil ginagawa ko lang 'to para sa mga plano ko. At dahil na din kay Lexi. Hindi ko siya kayang saktan.

Napa-iling na lang ako saka kinuha ang dalawang damit at dumeretso sa counter. "I'll take these." agad akong tinanguan ng cashier bago ibinalot ang mga iyon. Binayaran ko iyon at kinuha ang paper bag sa kaniya.

"Thank you, sir. Have a good day." anas ng staff bago ako lumabas.

Sumakay na ako sa kotse at tinuloy ko na ang pagmamaneho patungo sa stay house kung saan kami madalas ni Lexi. Nang makarating ako ay agad ko siyang natanaw sa may terrace ng bahay.

Lumabas ako ng sasakyan matapos kong itigil iyon sa tapat ng bahay. Kasalukuyang nakangiti si Lexi sa akin habang papalapit ako sa kaniya. Medyo malayo rin ang pagitan namin kaya mga nakailang segundo pa bago ako nakalapit sa kaniya.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon