THYLANE'S POV:
Padarag ako'ng binitawan ni Xavier matapos naming pumasok sa opisina niya. Galit ang mga mata'ng nakatingin sila'ng pareho sa akin ni Archer. Halos malagutan ako ng hininga sa paraan ng pagkakatitig nila sa akin. Kinakabahan na ako ng sobra!
"Kailan pa kayo nagkikita?" si Archer ang nagtanong. Hindi man siya sumisigaw ngunit nandoon ang gigil sa boses niya. Nang hindi ako sumagot ay muli siya'ng nagsalita. "Kailan pa kayo nagkikita?!"
Napa-igik ako sa pwesto ko matapos niya'ng sumigaw ng malakas. Hindi ko alam kung paano'ng sasagutin ang tanong niya ng hindi siya nagagalit.
"Sumagot ka! Kailan pa kayo nagkikita?!" aniya saka dinampot ang mug sa may desk at....
~KRAAAAAAAAAAAKKKKKKKKK!!!!~
Lumikha iyon ng malakas na tunog kaya muntikan na ako'ng mapasigaw! Napailag rin ako dahil matapos iyong mabasag ay tumalsik ang mga nagkalat na piraso ng mga bubog. Lalo ako'ng kinabahan dahil alam ko'ng galit si Archer. Kakaiba siya'ng magalit at hindi imposible na masira ang lahat ng gamit ni Xavier rito.
"Hindi mo ba alam kung ano'ng pwede'ng mangyari sa'yo, ha?!" galit na tanong niya, mataas pa'rin ang boses at mukha'ng sasabog na sa sobra'ng pagka-pula. "Hindi mo ba alam kung ano'ng pwede niya'ng gawin sa'yo?!" galit na tanong niya at doon naalarma ang natutulog na inis sa katawan ko.
Doon ko sinalubong ang matatalim na tingin niya at binigyan rin siya ng masama'ng tingin. "Bakit?! Ano ba'ng pwede niya'ng gawin?!" malakas na tanong ko.
Mukha'ng nagalit naman lalo siya. "Baka may mangyari'ng masama sa'yo!!!"
Nainis tuloy ako lalo. "Bakit naman mangyayari 'yon?!!!"
"DAHIL MASAMA SIYA'NG TAO!"
Natigilan ako at hindi makapaniwala'ng napatitig sa kaniya!
S-si Gabriel???
Masama'ng tao?!!!
"Hindi ka ba nag-iisip, ha?!! Masama siya'ng tao at sigurado ako na may masama siya'ng balak sa'yo!!!" pagpapatuloy pa niya pero hindi pa'rin maintindihan ng utak ko ang mga iyon. "Masama siya'ng tao, Tala! Hindi imposible na gawin niya ulit ang mga ginawa niya noon, sayo! Sa'tin! Siya ang dahilan kung bakit ka naka—"
"ARCHER!" pagpuputol ni Brenton sa sasabihin niya. "Tama na!"
Naalarma ang sistema ko nang may sabihin siya ngunit hindi natuloy. Pinigilan siya ni Brenton maya nasisiguro ko'ng may kinalaman iyon sa nangyayari ngayon! Kailangan ko'ng marinig 'yon para malaman ko ang totoo!
Umiling ako. "H-hindi...sandali—ano'ng sabi mo?" malumanay na tanong ko ngunit nanginginig na ang boses ko. "A-ano'ng sabi mo?? Siya ang dahilan ng ano?" tanong ko ulit pero ni isa sa kanila ay wala'ng sumagot. Hindi man ako kumikilos pero pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. Wala pa'ring nagsasalita. "Sagutin niyo 'ko—siya ang dahilan ng ano?!"
Mas malakas na ang tanong ko pero pare-pareho lang sila'ng salubong ang kilay na nag-iwas ng tingin at nanatili sila'ng tahimik! Doon ako lalo'ng nagalit!
"ANO?!" sigaw ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila. "Xavier?!"
Pagbanggit ko sa pangalan niya, umaasa'ng makakakuha ako ng sagot. Pero tinignan niya lang rin ako habang salubong ang kilay saka umiiling na nagbaba ng tingin. Naiinis na bumaling naman ako kay Brenton.
"Brenton?!" ani ko pero hindi rin ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. "Archer!" pagbaling ko kay Archer ngunit ganoon rin ang ginawa niya. Isang tao na lang ang pwede ko'ng tanungin at sigurado ako na may nalalaman rin siya. "Jordan!"
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
