VAN'S POV:
I'm currently in my house, baking cupcakes for Tala. And of course, for her baby. She and her baby might love to eat cupcakes right now. I was thinking na baka naglilihi na siya kaya gagawan ko siya nito. Nakangiti ako habang tinatapos ang mga ito ng biglang pumasok ang anak ko na umiiyak.
"Mommy..." Zhiana cried. Ibinaba ko naman ang hawak ko saka humakbang papalapit sa kaniya.
"Oh...why are you crying, baby?" ani ko habang lumalapit saka umupo upang mapantayan siya.
"I accidentally broke you're picture with ninang Tala. I didn't mean to break it, mommy. I'm sorry. Hindi po sadya." umiiyak na sabi niya parin. Sinapo ko naman ang pisngi niya saka tinuyo ang mga luha niya.
"Shhh...don't cry na. It's okay naman e. Pwede kong palitan ang frame no'n kaya 'wag ka nang umiyak. Just be more careful next time, okay?"
"Opo, mommy." she said while sobbing.
"Sige na. Call yaya Tess and ask her to clean those broken glass. And don't go upstairs alone. Baka masugatan ka sa mga broken glass." utos ko sa anak. Marahan naman siyang tumango saka nagtungo sa kinaroroonan ng tagapag-alaga niya.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang papalayong anak at lumapit sa yaya. Natutuwa ako dahil lumaki siyang maayos at napaka-masunuring bata. Sumusunod siya sa mga utos naming ng asawa ko and I am very thankful dahil hindi siya lumaking spoiled brat kahit na nakukuha niya ang mga bagay na gusto niya.
Napangiti ako at akmang babalik na sana sa kusina ng biglang makita ko si Zach na nagmamadaling pumasok at namumutla.
"Oh, hon?" nawala tuloy ang ngiti sa labi ko. "You okay?" tanong ko. Nagmamadali naman siyang lumapit saka hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya at pagkibot ng labi niya. "Honey.." nag-aalalang usal ko.
"Hon..." nanginginig ang boses na aniya.
"Wait, wait, wait." paulit-ulit na ani ko. I am really nervous because he was acting like this. "You're making me nervous. What is it?" kalmadong ani ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin. "What is it? Tell me, honey." lalo akong nag-alala ng makita kong mamula ang mata niya. "Honey, what's the problem? Tell me, please. Honey–"
"Tala..." tanging usal niya sa pangalan ng kaibigan ko. Nalito naman ako. Nagulo ang isip ko ng banggitin niya ang pangalan ng kaibigan ko. Tuloy ay hindi lang kaba ang nararamdaman ko Naghalo-halo ang lahat ng emosyon ko at biglang gumulo ang utak ko.
"What about her?" kunwaring kalmadong ani ko. "Anong meron sa kaibigan ko?"
"She's..." nakikita ko na nag-aalangan siyang sabihin 'yon.
"She's what?"
"Tala is..."
"Tala is what?" nagsisimula na akong mainis pero hindi ko pinahalata. Kumakabog ang puso ko dahil sa hindi malamang dahilan. "Tell me, what about Thylane? What about my bestfriend? She's what? What happened–"
"She's dead."
Nahigit ko ang sariling hininga nang marinig ko ang sinabi ng asawa ko. Tila tumigil ang pagtakbo ng mundo ko. Para akong nabingi sa mga narinig ko. Parang bumagsak lahat ng sakit sa puso ko.
Parang dumilim ang lahat ng bagay sa mundo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang mapatulala sa kaniya habang nakaawang ang mga labi ko. Parang wala akong naintindihan sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
