CHAPTER 46

228 11 7
                                    

THYLANE'S POV:

"Miss, del Fuego, ano pong masasabi niyo sa nangyaring pagsabog?"

"Alam niyo ho bang kayo ang sinisisi ng mga pamilya ng nawalan?"

"Totoo po bang kayo ang may pakana nang pagsabog?"

Gusto ko silang samaan ng tingin isa-isa pero walang maidudulot na maganda iyon at minabuti na lang na bilisan ang paglalakad para makapasok sa loob ng D.F. group. Salamat sa malalaking katawan ng mga bodyguard ko at hindi ako nahirapan sa pagpasok. Kailangan kong harapin ang mga board members ngayon maging ang stockholders sa iba pa naming kompanya dahil sa nangyaring pagsabog.

Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Brenton kahapon sa hospital. Dumudugo ang bahagi ng noo niya ay nakahawak siya sa kaliwa niyang braso. Doon ko lang naalala na siya nga pala ang namamahala ng kompanyang iyon. Ngayong araw naman na ito ay haharap ako sa board members. Isa pa ang mga iyon. Sigurado akong sasakit ang ulo ko dahil alam kong aalma sila sa nangyari kahapon. Lalong lalo na si Mr. Cruz. Tsk!

As I was walking inside, every employee will stop to give me a bow then they'll whisper once I walked pass by them. I know they're talking about me and my family. I didn't gave any attention to that and just continued to walk. This day will surely be stressful for me.

"The CEO has arrived." my secretary, Arra, announced then everybody stood up. Some of them are already glaring at me but they can't do anything. I am still the CEO so, they should still give respect.

"Sit down." sinunod nila ang sinabi ko ngunit hindi pa man din nag-iinit ang pwet ko sa upuan ay may nagsalita na.

"What are you going to do now, miss del Fuego?" nang-iinsultong tanong ni Mr. Cruz. Gusto ko siyang samaan ng tingin pero hindi pwedeng ipakita kong apektado ako. "The incident happened yesterday and everyone of us in the news. How are you going to resolve this problem, miss del Fuego?" dagdag pa nito.

I inhaled some air secretly before I answered. "I already have a plan, Mr. Cruz." pormal na sagot ko.

He raised a brow. "What is the plan, then?"

"I am planning to resolve the problem, Mr. Cruz. Simple as that." sarkastikong ani ko dahilan para maging masama ang tingin nito sa akin.

"Do you think we have time to joke?" halata sa mukha niyang pinipigilan niya ang inis na nararamdaman.

I raised a brow. "Who says I'm joking?" I asked then I tsked. "Ano ba ang maitutulong mo, Mr. Cruz? I don't think I should tell you if you're not going to help, right?"

"But he has to know, miss del Fuego." it was Mr. Balagtas who spoke. For the first time, he sided with that old hog. "Everyone here has to know about how are you going to resolve the company. We have stocks in here, miss del Fuego and we are also working for the company. We should know what you're planning to resolve the issue, miss del Fuego."

Muntik na akong mapahiya dahil sa sinabi niya pero hindi ko na lang ipinahalat. Kitang-kita ko kung paanong napangisi si Mr. Cruz dahil sa sinabi ni Mr. Balagtas.

"He is right, miss del Fuego. Nadadamay ang mga pangalan namin dahil sa nangyaring pagsabog ng isang building na pagmamay-ari ng D.F. Group. Hindi naman pwedeng hindi namin malaman ang iyong mga plano lalo na't sumasabit ang mga pangalan namin." ani pa ng isang board member.

Napatango ang mga board members na animong sumasang-ayon sa mga sinabi ng kapwa board members. At ang mas nakakainis ay nakikita ko ang nakakainsultong ngisi nung matandang iyon. Mabuti na lang at mabilis mag-process ang utak ko kaya nakaisip ako ng sasabihin.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon