CHAPTER EIGHT

244 7 5
                                    

ARCHER'S POV:

"Paano ako kakalma!" galit na sigaw ko sa pamilya ko. "Dalawang kapatid ko na ang nawawala simula kahapon! Tapos sasabihin niyong kumalma ako!? Ano 'to-gaguhan!?"

"Archer!" sita sa akin ni daddy. "Watch your words.." mahinahong aniya. "Look, everyone is worried in here. I know you're worried but the police said that they cannot make a move dahil wala pang twenty-four hours na nawawala sila."

"But can't we make a move!?" sarcasm is clear in my voice. "So what if the police can't make a move!? We can find them using our men, dad! We have lots of connections everywhere! We can pull some strings or whatever-"

Naputol ang sasabihin ko ng mag-ring ang phone ni Brenton. Sinagot niya naman iyon dahil mukhang importante.

"I told you that I'm busy that's why I can't go—what!?....I'm on my way!" he said and ended the call. "Si Nancy at Tala nasa hospital!"

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at agad na akong sumakay sa motor ko. Mabilis ko iyong minaneho papunta sa nasabing hospital. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. Basta kapag may nangyaring masama sa mga kapatid ko...alam ko na kung sino at pagbabayarin ko siyang hayop siya!

Nang makarating ay tinakbo ko ang daan papasok sa hospital at pumunta sa unang nurse station na nakita.

"Patient Nancy Kate Del Fuego and Thylane Athena Del Fuego." mabilis na sabi ko.

"Let me check, sir," ilang segundo pa ang tinagal niya bago muling tumingin sa akin. "Patient Nancy Brylleinne Del Fuego is at ward eight, bed two while patient Thylane Athena Del Fuego is at...the Emergency Room, sir."

Hindi na ako nagkapagpa-salamat pa sa nurse na pinagtanungan ko at nagmamadaling hinanap ang lugar kung nasaan si Nancy. Nang makapasok sa kuwarto ay hinanap ko ang bed na may pasyente at ng may makita ay nilapitan ko iyon at...

Marahas kong naibuga ang hangin ng makita ko si Nancy...na parang walang buhay na nakahiga. May nakakabit na dextrose sa may bandang pulso. Naka-oxygen tank at
...may benda sa ulo niya. Unti-unti kong naramdaman ang paglabo ng mata ko at ang panginginig ng kamay ko.

Naramdaman ko ang presensya ng mga tao sa likod ko. At ganon na lamang ang sakit sa dibdib ko nang marinig ko si mommy na umiiyak.

"Nancy, anak!" gilalas ni mommy at nilapitan ang anak habang humahagulgol. "Oh my god, baby...My baby...please wake up for mommy, baby, please. Please open your eyes for mommy. Nancy, please...anak ko.." umiiyak na usal ni mommy.

"Are you the patient's family?" biglang pagsulpot ng doktor.

"How's my daughter?" agad na tanong ni dad.

"Isinugod siya kanina dito-mga alas otso y medya. Ayon sa mga test na ginawa namin mukhang nabagok ang anak ninyo, It shows that there's no damage to your daughter's skull." para kaming nabunutan ng tinik sa narinig. "Pero iyon ang naging dahilan para mapahamak siya." parang muling sinira ang puso ko dahil sa narinig. "Hindi dumugo ang ulo niya at ni wala ring sugat. Nagkaroon ng maliit na damage sa isang parte ng utak niya kaya muntik na siya sa bingit ng kamatayan kanina. At may malaking damage din sa cerebrum kaya wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Her brain is swelling and I am sorry to say...but expect that your daughter will be in coma."

"Oh, Jesus!" usal ni mommy saka niyakap ang anak. "God! Please be strong, baby...please.." iyak pa rin niyang sabi.

"Thylane..." bulong ko sa pangalan ng kapatid ko. Tuloy ay napabaling sa akin lahat.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon