CHAPTER 12

437 12 2
                                        

BRENTON'S POV:

Ilang minuto na lang ay sisimulan na ang eulogy ni Tala pero hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano kikilos. Hindi ko alam kung anong gagawin. Hindi ko alam ang sasabihin.

Ilang araw na ang nakalipas. Ilang araw na kong nandito. Pero hanggang ngayon ay hindi ko matignan ng deretso ang kabaong ng kapatid ko. Ayokong tignan. Dahil alam kong kapag tinignan ko ang kabaong niya, anumang oras ay tutulo ang luha ko. At manghihina ako ng sobra.

Nawala na sa amin ang lahat. Pati na rin si Tala. Parang nilalamukos ang puso ko sa tuwing iisipin na wala na talaga siya. Unti-unting namasa ang mata ko. Kaya ko iyong pigilan...pero ang sakit ay hindi mawawala kailanman. Sa ngayon ay kaya kong pigilan ang paglabas ng emosyon ko pero hindi ko na alam kapag lumapit na ako sa earn niya. Hindi ko kaya.

"Good afternoon everyone.." bumalik ako sa huwisyo ng magsalita si daddy sa harap habang hawak ang mic. "We will start the eulogy now. We can give our messages to my daughter, for the last time. And its an honor to be the first person to give a message to a very kind and lovely woman like my daughter." dad started the eulogy.

"Thylane Athena was the most kindest person that I have ever met in my whole life. When my wife and I had her in our lives...we we're so happy because she's our first girl." nanginginig ang boses ni dad. Ramdam kong malapit na siyang maiyak. Ang iba naman dito ay hindi na napigilan ang pag-iyak lalo na si mommy. "All of us treated her as a princess. We gave her everything. But still, she grew up as a humble person. A very understanding girl. Siya yung tipo ng tao na...kahit kaya niyang makuha ang gusto niya ay nagagawa pa ring niyang maging mabait na bata...kahit hirap na hirap na ay walang ibang gagawin kung hindi intindihin ka..." dad said while stopping his tears. "She's not showy. She's not. She's the kind of person who'll keep everything just to make others feel better. Alam kong hindi siya okay pero sinasabi niya na ayos lang siya...na masaya siya. Kahit na hindi. Kinuha niya lahat ng responsibilidad sa pamilya namin...na dapat ay ako ang gumagawa...she did everything to make this family happy but I'm the one who should do that...Inalagaan namin siyang mabuti...lumaking magalang at masunuring bata...but I didn't expect that she'll end up like this." tuluyang tumulo ang luha ni dad at lalong dumagdag ang lungkot dahil sa iyakan na naririnig mula sa mga taong nandidito. "I'm sorry anak,..I'm sorry because I can't do anything for you...ginawa mo ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa...I'm sorry that I made your life miserable..." napahagulgol ang mga nanonood kay dad. Ako man ay nasasaktan ngunit kailangan kong pigilan. Sigurado akong ayaw ni Tala ng ganon. "We will never forget you, anak...I love you so much, my princess." tinapos ni dad ang mensahe niya nang umiiyak saka niya ipinasa ang mic kay Xavier.

"Good evening everyone. This message is for this woman who made our hearts happy for twenty-five years." panimula ni Xavier saka bumuntong-hininga at nag-angat muli ng tingin sa lahat. "When Tala came into our lives...I promised that I'll take care of her...she was the sweetest girl in my life...she never get irritated at me so easily kahit na sobrang sungit ko..." kunwaring natatawa pang aniya. "I am very impressed at her because she really has this anger-management control. She knows when will she be mad. She knows how to control her feelings. She is a very strong woman...Si Tala ang pumrotekta sa pamilya namin...siya 'yong naging responsable sa amin magkakapatid...I am the eldest...but she's more responsible than me...nagsisisi ako kasi...sana...sana may nagawa man lang ako para sa kaniya...sana naprotektahan ko man lang siya...sana mas minahal ko pa siya...sana mas ipinaramdam ko sa kaniya 'yon habang nabubuhay pa siya..." pinahid ni Xavier ang mga luhang namumuo sa mata niya. Lalo namang lumakas ang iyakan rito sa loob. Maging ang mga tao'ng tinulungan ni Tala ay umiiyak na. "You may be gone in this world...but you will never gone in my heart...I love you, baby girl...Never forget that.." aniya saka hinawakan ang earn bago lumakad papalapit sa akin at inabot ang mic. "Your turn." aniya ngunit tumanggi ako. Inilingan ko pa siya.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon