GABRIEL'S POV:
I thought being away from her will be the most hardest part of my life. But I was wrong. Mas masakit pa pala ang makita ko siyang nasasaktan ng sa harapan ko at wala man lang akong magawa. At ngayon ay parang araw-araw akong pinapatay habang nakikita ko ang asawa kong nahihirapan.
I barely survived those three days na hindi siya gumising. At halos mabaliw ako dahil pagkatapos ng iilang oras na gumising siya matapos ang tatlong araw ay hindi na naman siya gumising pagkatapos ang halos dalawang linggo.
Sa loob ng mga araw na iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang bantayan siya ng sobrang tagal. Umaasang gigising siya ulit. Pero kahit hindi siya dumidilat ay hindi ko siya iniiwan dahil alam kong kailangan niya ako. Sobrang sakit sa dibdib ko at sobrang naaawa na ako sa asawa ko. Kasi kahit hindi niya ipahalata na sumasakit ang ulo niya ay sinasabi niyang ayos lang siya para hindi kami mag-alala para sa kaniya.
Pero kahit na anong pagtanggi ang gawin niya ay hindi na mawawala pa sa akin ang pag-aalala ko sa kaniya dahil hangga't nakikita ko siya sa ganoong lagay ay hindi ako titigil sa pag-aalala.
Isang buwan na kaming nandito sa hospital. At pagkatapos ng dalawang linggo niyang pagkakatulog ay nagising siya ng anim na oras lang. She's now sleeping for five days. Hindi ko na naman alam kung kailan siya magigising.
"Love...are you going to wake up today?" I asked while while brushing her hair using my hands. I just sighed when she didn't reply.
I turned my head to look at her belly and I felt a little bit of joy in my heart when I saw Thylane's bump. Nathan told me that the baby in Tala's womb is growing. Halata naman dahil lumalaki na rin ang tiyan niya. Ang sabi pa ni Nathan ay wala akong dapat na problemahin kubg tungkol sa bata.
"Love.."
Napalingon ako kay Tala nang marinig ko ang mahina niyang tinig. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ko siyang gising ulit. Pakiramdam ko ay ito ang unang beses na nasaksihan ko ang paggising niya kahit na ilang ulit naman nang nangyari ang ganito. Iba lang talaga sa pakiramdam ko yung makita ko siyany gigising ulit pagkatapos ng napakahabang oras na natutulog siya.
"Ilang araw ulit akong nakatulog?" she asked.
I gulped first before I answered. "Five days."
Kumunot ang noo niya ng kaunti bago bumuntong-hininga't umiling.
"I'm sorry.." she whispered.
I forced a smile and stood up beside her. "It's alright." sagot ko. "How are you feeling?"
"I feel exhausted." sagot niya. Ayaw ko mang mag-alala ay hindi ko mapigilan. "Masakit ang likuran ko sa kaka-higa...pero ayos lang." ngumiti siya sa akin.
"Ilang oras ka naman kayang gigising, ngayon?" pinilit kong itago ang lungkot sa boses ko para hindi siya mahawa pero siguro ay sadyang mararamdaman niya rin iyon.
"I don't know.." she whispered. "Pero kailangan nating magtiis...para kay baby." sabi niya. Tuloy ay napalingon ako sa tiyan niya saka iyon hinaplos. "Kamusta na siya?" pagtukoy niya sa bata.
"Ayos lang siya, sabi ni Nathan." nakangiting sagot ko sa kaniya.
"That's good to hear." aniya.
Parang may humaplos muli sa puso ko nang makita ko kung gaano kaganda ang ngiti niya habang nakatingin sa tiyan niya. Sa tuwing gigising siya ay iyon lagi ang nakikita ko sa mga mata niya tuwing titignan niya ang tiyan niya. Habang tumatagal ay mas nakikita ko kung gaano niyang kagustong magka-anak.
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
RandomLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
