CHAPTER 39

208 12 1
                                    

THYLANE'S POV:

"I-ikaw ang...mommy ni Gabriel?" gulat pa ring tanong ko.

Ilang segundo pa siyang tumitig sa akin bago siya tipid na ngumiti. "Oo, Tala. Ako nga." ang naging tugon niya ay nagdala ng kakaibang gulat sa katawan ko. "Hindi ko akalaing magiging ganito kabilis ang paglabas ng katotohan. Ngunit mas mabuti na rin na alam mo na ang tungkol sa lahat nang hindi ka na mamroblema pa."

"And do you think that letting her know about the truth will make everything better?" sarkastikong tanong ni mom sa kaniya.

Taas-noong nilingon naman siya nung mommy ni Gabriel. "Yes." maikling sagot niya.

"How did you say so?"

"Come on, Helena. Stop fooling yourself. We both know yours and my family's life will be much worse if she didn't learn about the truth." Mrs. Grace said without any expression. My mother remained silent while staring at her coldly. "Those scumbags are out and we need to put them in place. You know that, Helena."

"I know that but I would save my family first rather than putting those scumbags in place that could make my family's life much worse."

"Then did you succeed on making your family's life in peace?"

Naiwan akong tulala sa kanilang dalawa. Hindi ko akalaing ang isang babaeng hindi ko kilala at pabigla-bigla na lang sumusulpot sa harapan ko ay ang nanay ng taong nanakit sa'kin! At ang mas nakakagulat pa ay kilala niya ang nanay ko! Hindi nakasagot si mom sa kaniya ngunit hindi nawala ang matalim nitong tingin.

"Naiintindihan ko kung nagagalit ka dahil pinangunahan kita sa pagpapaalam ng katotohanan sa anak mo. Pero gusto ko ring maintindihan mo na hindi lahat ay kasalanan ng anak ko. Ang kasalanan lang niya ay ang pagbintangan kayo at pananakit sa anak mo. Bukod do'n ay wala na." seryosong ani ng mommy ni Gabriel at hindi ko alam kung paano kong iintindihan ang lahat ng 'yon! "Alam mo kung saan nagsimula ang lahat ng 'to, Helena. Hindi sa ginawa nilang pagsira sa pamilya ko. Alam mo kung ano ang totoo."

"T-teka, anong ibig niyong sabihin?" tanong ko pero hindi ako nilingon ni mommy. Iyong isa naman ay ngumiti naman sa akin.

"Labas ka na ro'n, hija. Kung nais mong malaman ang totoo ay siya na ang tanungin mo. Ayoko ng pangunahan pang muli ang mommy mo." nakangiting aniya bago muling bumaling kay mom. "Siguro naman, sa ngayon ay hindi mo na itatago sa kanila ang katotohanan. Ibang usapan na ito, Helena. Masyado na nilang ginugulo ang mga pamilya natin. Sana ay magawa mo na ang tungkulin mo bilang ang may pinakamataas na kapangyarihan sa atin." walang kasinseryoso ang mukha niya. Akmang tatalikod siya nang.

"M-ma'am—Uhm—Mrs. Monteciara." kusa akong napahinto dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa kaniya!

Nilingon niya ako ng may seryosong reaksyon. "May kailangan ka pa?" maayos na tanong niya. Hindi ko alam kung bakit sa oras na iyon ay napatitig na lamang ako sa kaniya. Wala na akong masabi. "Kung wala na ay mauuna na ako. Kailangan ko nang umalis." sabi niya bago tumalikod nang hindi hinihintay ang magiging sagot ko.

Pinanood ko siyang makalayo at nang tuluyan na siyang maglaho sa  paningin ko ay napabuntong-hininga na lang ako.

Sa pagdating mo ay lalo lang nagulo ang utak ko...mas dumami lang ang mga tanong na kailangan ng mga sagot...

"Tala." napalingon ako kay mom matapos niyang banggitin ang pangalan ko. Seryoso pa rin siya at halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Dumeretso ka sa mansyon. Mag-uusap tayo." kahit hindi ko na siya sagutin ay alam niya na ang sagot. Wala naman kasi akong choice dahil bakas sa boses niya ang awtoridad. Tinalikuran niya ako at saka umalis.

Married Twice (Del Fuego series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon