GABRIEL'S POV:
'11:46 p.m.'
Still, there's no Thylane came. Kanina pa ako naghihintay pero wala pa'rin siya. Kaya naman tinawagan ko na si Jacob para hanapin siya.
"[Hello boss,]" aniya sa kabilang linya.
"Look for Thylane now. She's not here."
"[Yes, boss.]" aniya saka binabaan na naman ako ng linya. Napabuntong-hininga naman ako saka itatago na sana ang phone ng biglang mag-ring iyon.
Mabilis kong sinagot ang tawag nang makitang si Thylane iyon. "Hello wifey...God! Where the hell are you?! I'm so fucking worried! Where are you–"
"[Should I be jealous because you're calling her 'wifey?']"
"L-lexi?" gulat na usal ko.
"[Hahaha..chill baby, I'm just joking. Don't be scared.]" ani LEXI sa kabilang linya.
"Why do you have her phone?" I asked her.
"[Hmm, just because..]"
"Lexi, why do have her phone?" I asked her again.
"[Because, I have her...and we're going to kill her...now.]"
"[And this is the night that we will have everything..power...
money...everything.]" ani Lexi. "[By the way..pumunta ka na dito. At habang wala ka, paglalaruan ko muna siya, okay?]"
"Lexi, listen to me.." mahinahong sabi ko. "Don't touch her. I'll be there in minute."
"[Bye baby, I love you.]"
"I love you too.." ani ko saka ibinaba ang linya. Lumabas agad ako at nagtungo sa sasakyan bago tinawagan si Jordan. Pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot niya iyon. "Get ready. I found her. Pupuntahan natin siya." ani ko saka pinatayan siya ng tawag at nagtungo sa naabing lugar.
Nang makarating ako doon ay sinalubong ako ng mga tauhan ni Lexi. Hindi sila ganoon karami dahil iisa lang naman ang target namin. Awtomatikong naging blangko ang ekspresyon ng mukha ko ng harapin ko sila. Agad naman nila akong iginiya sa lugar kung saan nandoon sila. At nang makarating sa harap ng malaking pinto ay iniwan na nila ako roon.
Huminga ako ng malalim saka binuksan ang malaking pinto at nadatnan si Lexi na nakapandekwatro at nakaupo sa tapat ng isang babae na nakatali at bahagyang nakayuko.
Bago pa ako makapasok ay nilingon ako ni Lexi na mukhang masaya sa nangyayari. "Hi, baby.." tulad niya ay nilapitan namin ang isa't isa. Nilingkis niya ang mga braso niya sa leeg ko at hinalikan ako ng mariin sa harap ni Thylane. Nang bitiwan niya ang labi ko ay nilingon niya si Thylane na nakayuko parin.
"Oh," kunwaring namamangha na aniya. "Why aren't you looking at us?" kapagkuwanan ay tanong niya. "Jealous? Hahahaha." natawa siya sa sinabi niya. "I already warned you before, right? I told you, not to trust him too much. Hayan tuloy, na-hopia ka na naman."
Ni isang salita ay wala kaming narinig kay Thylane. Hindi niya tinugon ang mga sinabi ni Lexi. Nanatili lang siyang nakayuko at tahimik.
"Well, dahil mamamatay ka naman na din–I'll tell you our plan. Me and Gabriel planned to kill you right this time. And after that, isusunod namin ang pinakamamahal mong kapatid–"
"Hayop ka! Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko!" biglang sigaw ni Thylane.
"Don't worry...hindi naman ako ang gagalaw sa kapatid mo. Madami akong lalaking tauhan na pwedeng-pwedeng gumamit sa kapatid mo—"
BINABASA MO ANG
Married Twice (Del Fuego series #1)
AcakLove. Pain. Forgiveness. Three words to emphasize what is in a Marriage. A sacred union of two people. Who promised to cherish each other through their ups and downs. But is there's such thing as marriage when there's something that you call 'busi...
